Angeli Valenciano, Rocky Gathercole speak up about L.A. Fashion Week incident; cry discrimination

IMAGE Asian Journal / Angeli Valenciano Instagram

International fashion designer Rocky Gathercole (left) and talent manager Angeli Pangilinan-Valenciano, mother of singer Kiana Valenciano (right), refute the statements made by organizer Erik Rosete about the L.A. Fashion Week incident.


Pinabulaanan ng international fashion designer na si Rocky Gathercole at ni Angeli Pangilinan-Valenciano, ina ng singer na si Kiana Valenciano, ang akusasyon ni Erik Rosete ng Art Hearts Fashion International na pinagkakitaan ni Jacob Meir ng For the Stars Fashion House ang nakanselang L.A. Fashion Week.

Ito ang sinasabing dahilan kaya hindi nakasali sa show ang Filipino models.

Kapwa nanindigan sina Gathercole at Angeli na may discrimination na nangyari kaya hindi pinayagang rumampa si Kiana at ang ibang mga Pinay sa fashion show.


Stories We Are Tracking

Kiana and Pinay models not allowed at L.A. Fashion Week show
Kiana and Pinay models not allowed at L.A. Fashion Week show
Erik Rosete airs his side on L.A. Fashion Week incident
Erik Rosete airs his side on L.A. Fashion Week incident

Kasalukuyang nasa Los Angeles sina Gathercole at Angeli, na nagpaunlak na eksklusibong magsalita sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pamamagitan ng Facebook video call ngayong Biyernes, March 16 (Philippine time).

Inilahad ni Angeli kung paano napasali si Kiana sa rarampa sana sa L.A. Fashion Week.

So Kiana wasnt allowed by the organizers of the Opening Night of The Arts Heart Fashion group to walk the ramp even if she was a special guest of Jacob Meir, owner of @forthestarsfashionhouse in Melrose. I post this photo (taken in the hall of ABSCBN) and you can call me a stage mom. But I am a mother and I am Filipina. ????????And I am hurt. It was heartbreaking ????for me (as Kiana was excited) ...but moreso for the 6 other Filipinas who were there at the Macarthur already. Seeing makeup artist Cherry Ordoñez cry as she relayed how shabbily former Miss Earth Jamie Herrell was treated and how humiliated the five Filipina models were after being rejected with an announcement “No Filipinas will walk” saddened and angered me. Was it a height issue? Then explain it kindly. We flew thousands of miles to participate in the fundraiser because Jacob and businesswoman Filipina Mildred Deang personally called us. We were hesitant as she had schedules but we moved them for the event. Thank you Jacob, Rocky, Elie and Resty. You are brave warriors for a great cause. You stood your ground for the 7 Filipinas and one happened to be Gary’s and my daughter. It must have been so difficult for you to be firm with your decision not to participate in the fashion show which was totally your show but you stood by the girls. She may not have made the cut in their eyes but your decision blessed our family tremendously. Kiana is our “baby” and this was below-the-belt painful. You will forever have the gratitude and friendship of the Valenciano family. #kiana #kianavalenciano #thevalencianos #notohate #notoracism #spreadlove

A post shared by Angeli Pangilinan Valenciano (@angelipv) on

"There’s no money involved," simula ng misis ni Gary Valenciano.

"Jacob is a friend. He was so excited kasi hindi niya alam na si Gary ang tatay ni Kiana.

"Nakita ni Jacob si Kiana sa Boracay. Na-excite siya.

"Sabi niya sa business friend niya, 'Gusto ko siya.'

"Hindi niya alam na si Kiana was my daughter.

"The girl said, 'Parang anak ‘yan ni Gary.'

"When naglolokohan kami about this, with his business friend, si Mildred Yang, sabi ko, 'Sarap sana if she walk, ‘no?'

"Then, biglang one thing led to the other, it’s pro bono daw.

"It’s for the AIDS Foundation. And I said, 'I’ll come then.'"

Patuloy na kuwento ni Angeli, "Kiana was supposed to go to London, pero wala siyang visa.

"May balak siya na she’s gonna go abroad, sabi ko, it’s a good idea to go to the States and to put project.

"Saka alam naman natin na she loves fashion. She finished fashion in Manila.

"So, sabi ko, let’s do it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I didn’t want pa at first, pero tinawagan ako ni Jacob Meir, yung fashion house ni Rocky.

"At sabi niya, 'Please, Angeli, please come here. I will make her special. I’ll put her at the opening.'"

THE L.A. FASHION SHOW INCIDENT. Pagkatapos nito ay idinetalye ni Angeli ang naranasan at nasaksihan niya sa aborted L.A. Fashion Week Show.

Pinaninidigan ng talent manager na ayaw talaga ni Erik Rosete na isali ang mga kababayan natin sa fashion show.

Ayon kay Angeli, "They didn’t want them to walk on the ramp talaga.

"Nandoon na yung girls, e, ayaw ipa-makeup. Ayaw bigyan ng damit.

"Pero si Kiana, nasa bahay pa.

"We were waiting kasi kinakabahan na kami. 'Bakit ganoon, ang tagal?'

"Yun pala, ayaw talaga ni Jacob. He was very angry.

"They already knew na nababastos na yung mga Pilipino.

"Nabasa ko pa yung mga text message ni Erik.

"Nagmamakaawa siya na ituloy na, kasi nga nagagalit na si Jacob na, 'You cannot treat the Filipinos like this.'

"Sabi ni Jacob, 'I know how it feels to work hard, and these models, they’re not really models, these are beauty queens. They worked hard and I want them in my fashion show.'"

Kabilang din sa rarampa sana si Miss Earth 2014 Jamie Herrell.

Patuloy ni Angeli, "Nakita ng assistant ni Jacob, kasi she also serviced another fashion show, sabi niya, 'The models, some were tall, some were short. It’s not true that everybody has to be 5’9 or 5’10.'

"Yung mga tao na nandoon, umiiyak nga, e.

"May isang tao na nagsabi na, I’m sure troll, binayaran ko raw si Jacob.

"Ako magbabayad? I was so shocked talaga.

"'Tapos, tinanong pa ni Erik yung mga designer kung puwedeng ituloy yung fashion show.

"In other words, initsapuwera niya si Jacob."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pati si Kiana," dagdag niya, "tinanong kung puwedeng kumanta.

"In-accused pa niya si Mildred Yang, my friend, of fake daw yung kanyang pageant.

"Fake? E, I was the one who booked Dayanara Torres as a judge sa Binibining Pilipinas USA.

"Ang Tourism Undersecretary, si Kat de Castro, was there.

"How can it be a fake pageant?

"And then, my niece KC Concepcion was the host.

"How can you say that’s a fake pageant? I mean, it was even aired on TFC.

"But I also talked to the people of TFC [The Filipino Channel].

"I also said our side kasi, you know, naunahan lang kasi ng GMA-7 yung ABS-CBN.

"When ABS put out some of the videos and photos na I sent them, they sent naman the statement of Erik, without asking my side or Rocky’s side or Jacob’s side.

"Parang mali naman yata yun."

DISCRIMINATION. Pinatotohanan naman ni Gathercole ang mga pahayag ni Angeli.

Saad niya, "Ni-reject talaga. Ayaw papasukin ang mga Pilipina.

"Totoo yun. Hindi yun gawa-gawa.

"May isang Pilipina, naka-heels, pinaghubad ng sapatos. 'Let me see how tall are you,' may ganoon pa.

"Hindi pa nasusulat lahat. Puro kasinungalingan yung isinulat niya [Rosete] na may height requirement.

"Meron talagang discrimination."

Ayon pa kay Gathercole, "After all these years, kailangan ba namin ng publicity na ganyan? My goodness!

"I am happy na nandito si Angeli. Siya na mismo ang magsabi.

"Dapat hindi inalis ni Rosete ang statement niya.

"Bakit niya dinilete? Dapat hindi niya dinilete para mas masaya."

Dismayadong sabi ni Gathercole, "Hindi na nga ako nagsasalita, ang dami nang nasabi.

"For almost ten years ko dito, wala akong isyu kahit kanino, siya lang ang gumawa sa amin nang ganyan.

"Ito ang worst publicity na nakuha ko. My goodness!" 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN