Ryza Cenon hits back at basher who compared her to Georgia of Ika-6 Na Utos

IMAGE Instagram photo of Ryza Cenon

Ryza Cenon to netizen: "Paki unfollow na lang. Mahirap makausap sa mga sarado ang utak kagaya mo."


Bukas, March 17, ay magwawakas na ang hit afternoon drama series ng GMA Network, ang Ika-6 Na Utos.

Pero tila hindi pa rin natatapos ang pamba-bash kay Ryza Cenon, na gumaganap bilang main kontrabida sa teleserye.

Kahit maganda ang intensiyon ni Ryza sa pag-post niya ng quote card tungkol sa pagiging mabuti, may isang netizen na ginamit ito para kutyain ang Kapuso actress.

Sa post niya noong Martes, March 13, nakasulat ito: “Be strong, but not rude. Be kind, but not weak. Be bold, but don't bully. Be humble, but not shy. Be confident, but not arrogant.”

Sa caption, sinabi naman ni Ryza, “Be nice to everyone. Wala naman mawawala e.”

Be nice to everyone. Wala naman mawawala e. ??

A post shared by Ryza Cenon (@iamryzacenon) on

Sa comments section, may isang fan ang nagsabing, “Alam mo naman pala yang salita na yan eh! Apply mo kaya sa sarili mo Georgia!”

Georgia ang pangalan ng napakasamang karakter na ginagampanan ni Ryza si Ika-6 Na Utos.

Bagamat pabiro lang ang comment ng fan, isang netizen naman ang sineryoso ito.

Sabi ni Instagram user @lizzo2, “I agree... wala yang kaluluwa... who know in real ganyan sya... you'll never know GEORGIA, KABIT NA BALIW!!!!”

Hindi naman ito pinalampas ni Ryza.

Buwelta niya, “Kasasabi lang BE BOLD, BUT DON'T BULLY. BE CONFIDENT, BUT NOT ARROGANT.

"Paki unfollow na lang mahirap makausap sa mga sarado ang utak kagaya mo. #tangalangangpeg”


Sagot ng Instagram user, “Excuse me but I'm not following YOU... I don't intend to... Canada is a free country... don't tell me what to do...”


Bilang huling tugon sa netizen na ito, sinabi ni Ryza, “So bakit ka rin nakekealam? Bakit updated ka? Patawa!!

"Yung kausap mo wala sa Canada nasa Pilipinas kasi ko. Diyan ka sa Canada magpaka bossy wag dito sa Pilipinas."


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Stories We Are Tracking

Ryza Cenon fumes at accusation she hurt child co-actor
Ryza Cenon fumes at accusation she hurt child co-actor
Ryza Cenon admits getting anxious over viral threats
Ryza Cenon admits getting anxious over viral threats


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN