Iya Villania falls victim to cell-phone robbers inside toy store

IMAGE Noel Orsal

Iya Villania took to Instagram after her cellphone was stolen inside a toy store. The Kapuso TV host-actress was with her one-year-old son.


Nanakawan ng cellphone ang Kapuso TV host-actress na si Iya Villania habang namimili sa isang toy store.

Base sa kanyang Instagram Story ngayong Huwebes, March 15, apat na tao ang magkakasabwat sa pagnanakaw sa kanya.

“For those wondering why I went a few days without posting videos of Primo… here’s why…” simula ng "Chika Minute" segment host.


Si Primo ang isang taong gulang na anak ni Iya at ng asawa niyang si Drew Arellano.

Nag-post si Iya ng screenshots ng larawan ng lalaking diumano’y nagnakaw ng kanyang cellphone.

Kuha ito sa CCTV ng nasabing toy store.

Ayon kay Iya, nakalagay ang kanyang cellphone sa bulsa ng stroller ng anak.

Makikita rin sa isa pang screenshot na nakapasok ang kamay ng lalaki sa bulsa ng stroller.



Sabi pa ni Iya, may tatlong babaeng kasabwat ang itinuturong salarin.

“He was working with 3 other girls who are the ones to first spot the item and then distract the sales people while this guy steps in to take the item…”

Kaya naman paalala ni Iya, “Lesson learned: No matter how much you might want to believe in the humanity of people, there are simply people who have other needs putting their understanding and kindness on the line.

“So…just be careful and mindful at all times.”

Nagpapasalamat naman si Iya na hindi niya hinayaang mawala ang kanyang atensiyon sa anak.

“Thank God I was too busy being mindful of my most expensive possession… my son!”


Nagpasalamat din si Iya sa kumuha ng video niya habang nasa loob ng store dahil nakunan dito ang tatlong babaeng kasabwat sa pagnanakaw.

“Sooo… thanks to one of the momma’s who took a video of Primo and I in the store, I now have the faces of the girls na kasabwat.”


Paalala muli ni Iya, “Be careful, guys! And let’s keep an eye out for each other.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN