Jennylyn Mercado on relationship with Dennis Trillo: "Ang pinakamasaya."

IMAGE Arniel Serato

Jennylyn Mercado on boyfriend Dennis Trillo: "Nailalabas namin yung best namin sa isa't isa. 'Tsaka masaya yung magkasundo kayo talaga."


“Ang pinakamasaya.”

Ganito inilarawan ni Jennylyn Mercado ang kanyang nararamdaman sa relasyon nila ng boyfriend na si Dennis Trillo.

Bakit kaya ito nasabi ng Kapuso actress?

Paliwanag ni Jennylyn, “Nailalabas namin yung best namin sa isa't isa. Tsaka, masaya yung magkasundo kayo talaga.

“Kasi hindi naman kami magtatagal sa relasyon namin kung hindi kami masaya.”

Love is lovelier, kumbaga, ang samahan ng dalawa matapos silang magkahiwalay noon.

Dagdag pa ni Jennylyn, nag-mature talaga siya pagdating sa pakikipagrelasyon.

Saad ng 30-year-old actress, “Malaki, malaki ang pagkakaiba nung dati.

"Pareho pa rin kaming bata nun, e... ay, ako lang pala!

"Ako lang yung bata nung mga panahon na yun.

"So, medyo marami na rin kaming pinagdaanan.

“Marami na rin kaming natutunan."

Matagal-tagal na rin naman ang pakikipagbalikan niya kay Dennis. Ilang taon na ba ang relasyon nila?

Pakiusap ni Jennylyn, "Bigay mo na lang sa amin yun. Yun na nga lang itinatago ko, e.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang local media si Jennylyn sa New Asia restaurant, sa Davao City, kahapon March 16.

Nasa Davao ang Kapuso stars na sina Jennylyn, Tom Rodriguez, Megan Young, Mikael Daez, at Katrina Halili para makisaya sa ika-81 Araw ng Dabaw.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN