Tom Rodriguez on relationship with Carla Abellana: "It is a perfect partnership."

IMAGE Arniel Serato

Wala na raw mahihiling pa si Tom Rodriguez sa kanyang buhay pag-ibig dahil nakahanap na siya ng kanyang perfect partner, sa katauhan ng girlfriend na si Carla Abellana.


“Great” ang sagot ni Tom Rodriguez na may kasamang double thumbs up nang matanong tungkol sa relasyon nila ng girlfriend na si Carla Abellana.

Ito na raw ang maituturing niyang "perfect" na relasyon sa kanyang buhay pag-ibig.

“For me, it is a perfect partnership,” sambit ng Kapuso actor.

Kung ito ay “perfect partnership,” bakit parang itinatago pa nila ito noon?

Paglilinaw ni Tom “Hindi naman itinatago.

"It was during the course of My Destiny, the courting process, four years. That was 2014."

Sa loob ng apat na taon nilang relasyon, bakit niya nasabing ito ang pinakamasayang aspeto sa kanyang buhay?

Tugon ni Tom, “I feel I can be myself. I can be my best ideal self.

"I keep that ideal self in aspiring to feel more attainable when I'm with her."

Nakakuwentuhan ng Davao City local media at ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Tom sa okasyon ng ika-81 Araw ng Dabaw kahapon, March 16.

Ilang GMA stars ang kasalukuyang nasa Davao para makisaya sa tanunang selebrasyon, kung saan hatid din ng GMA Regional TV ang ilang entertainment programs para sa Davaoeños.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN