Gabbi Garcia treasures friendship with Julia Barretto: "Sobrang happy ako para sa kanya."

IMAGE Arniel Serato

Kapuso star Gabbi Garcia is grateful that her friendship with Julia Barretto has transcended network wars and other petty issues.

 


Pinuri ng netizens ang matibay na pagkakaibigan ng Kapuso star na si Gabbi Garcia at Kapamilya actress na si Julia Barretto.

Hindi ito natinag kahit magkalaban ang kanilang istasyong pinagtatrabahuhan.

Kuwento ni Gabbi, “Very real.

"Napakatotoong tao ni Julia and it’s nice dahil magkaibigan kami through school, e.

“Hindi dahil sa showbiz kami. Friends kami dahil classmate kami nung high school.”

Ayon pa sa Sherlock Jr. star, bukod sa masuwerte sila na napanatili nila ang kanilang pagkakaibigan, masaya din siya sa nangyayari sa karera ng kaibigan.

Saad niya, “Up to now it’s nice na trineasure namin yung friendship na yun.

"Right now, I’m so happy for her career, sobrang happy ako sa kanya.

“Sa personal niyang buhay, napaka-blessed and happy niya.”

Kapag magkasama sila, kasama kaya sa mga pinag-uusapan nila ang tungkol sa lovelife?

Natatawang sagot ni Gabbi, “Lovelife niya!

"Oo naman, part yun ng girl talk namin, pero basta... masaya. Masaya siya.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gabbi sa presscon ng Sherlock Jr. sa Rekado restaurant sa Davao City ngayong araw ng Sabado, March 17.

“KAPUSO ARAW NG DABAW.” Kasama rin ni Gabbi sa Davao ang ka-loveteam niyang si Ruru Madrid at ang iba pang cast members ng Sherlock Jr. na sina Andre Paras at Kate Valdez.


Ang pagbisita nila sa Davao ay kaugnay ng pagdiriwang ng ika-81 anibersaryo ng siyudad.


Mapapanood ang apat ngayong 4:00 ng hapon sa Abreeza Mall, Davao City.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN