Cathy Garcia-Molina supports John Lloyd Cruz's decision to choose personal life over showbiz

IMAGE Noel Orsal / Rachelle Siazon

Cathy Garcia-Molina speaks on John Lloyd Cruz choosing personal life over career: "One day, he will wake up, realize whatever he has realized, and then pag bumalik siya, mas buo siya. Kaysa lahat sinunod niya lang, 'Kasi sabi nito, sabi ni ganyan...' Ang ending niyan, hindi pa rin niya nasunod yung gusto niya."


Naniniwala si Cathy Garcia-Molina na alam ni John Lloyd Cruz ang consequences ng desisyon nitong bigyang prayoridad ang personal na buhay kaysa showbiz career nito.

Pahayag ng box-office director, “Matagal na ‘yan overdue, actually, ‘yang gusto niyang ‘yan.”

Limang buwan na ang lumipas mula nang naghain ng “indefinite leave of absence” ang premyadong aktor ng ABS-CBN mula sa kanyang showbiz commitments.  

Sa loob ng panahong ito ay nasaksihan ng publiko, sa pamamagitan na social media, ang pagbabakasyon ni John Lloyd sa mga lugar sa loob at labas ng bansa kasama ang girlfriend niyang si Ellen Adarna.

Ngayong pansamantala niyang iniwan ang showbiz, may mga fans si John Lloyd na nanghihinayang sa mga proyektong maaari pa sanang gawin ng aktor.

Pero sabi ni Direk Cathy, “Trust me, he knows that.

"John Lloyd is a very intelligent and sensitive person. John Lloyd knows that."

Na-burn out kaya si John Lloyd sa trabaho?

Sagot ng direktor, “Hindi ko naman masabi talaga ang nangyari...”

O may kinalaman kaya ang usaping pag-ibig?  

Sagot ulit ni Direk Cathy, “Ay, no! Hindi naman. Halo na siguro ‘yan.

“Lahat tayo may ganyang stage sa buhay natin.

"Kanya-kanya lang ng oras ng dating. Merong mas maaga, mas late.

“Sa kanya, dumating na ‘to. Ako, the sooner the better.

"Para pagkatapos niyan, yung realization niya, ma-apply na niya agad. Kaysa naman 50 na siya, saka siya magganyan, di ba?”

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Direk Cathy pagkatapos ng presscon ng pelikulang My Perfect You noong Huwebes, March 15.

"EXPERIENCE IS THE BEST TEACHER." Dito ay nabanggit ni Direk Cathy na mismong ang circle of friends nila ni John Lloyd na sina Janus del Prado, Ketchup Eusebio, at Joross Gamboa ay suportado kung ano man ang mga pinagdadaanan ni John Lloyd ngayon.  

“For me, there’s no better teacher than experience itself.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“No matter what we tell him to do, palagi naman sa kanya ang decision.

"Lahat tayo, ang final decision, tayo.

“Ngayon, desisyon niya ito. Hayaan mo siya.”

Patuloy ng direktor, “One day, he will wake up, realize whatever he has realized, and then pag bumalik siya, mas buo siya.

“Kaysa lahat sinunod niya lang, ‘Kasi sabi nito, sabi ni ganyan...’  

"Ang ending niyan, hindi pa rin niya nasunod yung gusto niya.

“So ako, maybe this is really his time para gawin ang gusto niya.”  

"WE CAN'T FIGHT FATE." Tingin ba ni Direk Cathy ay timing lang din na sa lahat ng babaeng naugnay kay John Lloyd ay si Ellen ang napili nitong makasama?

Sabi ni Direk Cathy, “People come and go to our lives for a purpose.

"Siguro, at this point, ito yung purpose sa buhay niya.

“Ako kasi, mahirap labanan ang life. Mahirap labanan ang fate.

"Mas maganda kung para ka na lang water na kung merong flood, liko ka, kung meron ulit, liko ka.

“Right now, John Lloyd is like water to me.

"Nilalagyan ng stumbling blocks, ang importante, makaliko siya. Ang importante, makalabas siya."

Sa kabila ng kontrobersiyang kinasangkutan ng aktor mula noong nakaraang taon, naniniwala raw si Direk Cathy sa kabutihang loob ng aktor.

“At the end of the day, John Lloyd is a good person. 

"John Lloyd is a very intelligent person with a very sensitive heart. A good soul.

“Lalampasan niya lahat ‘yan. Hayaan mo lang siya.”

Ilan sa box-office movies kung saan nakatrabaho ni Direk Cathy si John Lloyd: One More Chance (2007), A Very Special Love (2008), You Changed My Life (2009), Miss You Like Crazy (2010), My Amnesia Girl (2010), Unofficially Yours (2012), It Takes A Man And A Woman (2013), A Second Chance (2015), at Just The Three of Us (2016).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN