Catriona Gray, Mariel de Leon bury the hatchet after "scripted" issue

IMAGE Instagram @mariangelicadl

Bb. Pilipinas 2018 candidate Catriona Gray and Bb. Pilipinas-Interntaional Mariel de Leon move on after their controversial "scripted" issue.


Pinatunayan nina Bb. Pilipinas 2018 candidate na si Catriona Gray at Bb. Pilipinas-International 2017 Mariel de Leon na wala silang sama ng loob sa isa’t isa.

Sa kanyang Instagram story kahapon, March 17, nagbahagi si Mariel ng larawan nila ni Catriona kunsaan makikita silang magkayakap.

May caption ito na nagsasabing:  “FINALLY TALKED! WE KNOW WHAT REALLY HAPPENED AND THAT’S ALL THAT MATTERS.

“SISTERS HAVE EACH OTHERS BACKS.”

Kaugnay ito ng pambabatikos ng netizens kay Mariel dahil sa komento niyang kung minsan ay medyo “scripted” ang paraan ng pagsasalita ni Catriona.

Nangyari ang insidente sa isang activity ng Bb. Pilipinas kunsaan in-interview ang mga kandidata at nagbigay ng komento ang panel na kinabibilangan ni Mariel.

Bagamat nilinaw ni Mariel na "constructive criticism" lamang ang kanyang ibinahagi, tila hindi ito nagustuhan ng mga tagasuporta ni Catriona na isa sa itinuturing na malakas na kandidata ng Binibining Pilipinas 2018.

Si Catriona ay dating Miss World Philippines 2016.

Ngayong gabi, March 18, nakatakdang koronahan sa Araneta Coliseum ang mag-uuwi ng korona nina Bb. Pilipinas-Universe Rachel Peters, Bb. Pilipinas-Intercontinental Katarina Rodriguez, Bb. Pilipinas-International Mariel de Leon, Bb. Pilipinas-Grand International Elizabeth Clenci, Bb. Pilipinas-Supranational Chanel Olive Thomas, at Bb. Pilipinas-Globe Nelda Ibe.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN