JM de Guzman knows ex-GF Jessy Mendiola is in good hands with Luis Manzano

IMAGE JM de Guzman Instagram

JM de Guzman knows that his ex-GF Jessy Mendiola is in good hands with her current boyfriend Luis Manzano: "Tulad ng sinabi ko, kung tatanungin ako, maganda na kay Luis siya napunta. Nasa kanya yung traits na kung gusto mo yung kaibigan mo mapunta sa tamang kamay, si Luis yun."


Para kay JM de Guzman, boto siya kay Luis Manzano para sa ex-girlfriend niyang si Jessy Mendiola.

Ika nga ni JM sa nakaraang interview sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News noong nakaraang Linggo sa set ng ASAP, alam niyang nasa mabuting kamay ang dating kasintahan.

Lahad niya, “Tulad ng sinabi ko, kung tatanungin ako, maganda na kay Luis siya napunta.

“Nasa kanya yung traits na kung gusto mo yung kaibigan mo mapunta sa tamang kamay, si Luis yun.

“Kaysa sa iba napunta.

“Brod ko siya sa fraternity.

"Alam ko kung paano siya, kung paano niya dalhin ang sarili niya, pero di kami close.”

WILLING TO WORK WITH JESSY. Dahil nasa iisang network lang sila JM at Jessy, bukas ba ang aktor sa posibilidad na makasama niya sa isang proyekto ang kanyang ex-girlfriend?

Paliwanag ni JM, “Actually, nasa management na yun.

“Ako, trabaho ko yun as an actor na makapag-deliver.

“Kapag in-offer sa akin, gustong ipagawa sa akin ng management, gagawin ko.”

SUPPORTIVE OF JESSY'S DREAMS. Sa isang interview kay Jessy ay nagpahayag ng saya ang aktres na nakalabas na sa rehab si JM at balik trabaho na ito muli.

Ayon kay JM, magkaibigan naman silang dalawa ng aktres bago sila nagkarelasyon kaya wala silang masamang masasabi sa isa’t isa.

“Same. Actually bago naman kami mag-break o naging kami mas matagal yung investment namin dun sa friendship.

“Alam naman natin ever since na bago kami nagkahiwalay, suportado namin ang isa’t isa sa kanya-kanyang dreams or goals,” diin niya.

GOOD VIBES WITH CARGEL FANS. Nabuhay muli ang mga CarGel, o Carlo Aquino-Angelica Panganiban fans, dahil madalas nakikita na magkasama ang mag-ex.

Tinanong namin si JM kung hindi ba siya nakakaranas ng pamba-bash mula sa mga CarGel fans.

Saad niya, “Sobrang bait nila.

“CarGel ako, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ka-chat ko sila, kinukumusta nila ako.”

Dahil kakagaling lang nina Carlo at Angelica mula sa Australia para magbakasyon, tinanong namin si JM kung boto ba siya kay Carlo para sa aktres?

“Oo naman,” lahad niya.

NOT YET READY FOR RELATIONSHIPS. Sa ngayon ay single pala si JM at kuwento sa amin ng aktor bahagi pala ng programa niya sa rehab na hindi pa siya puwedeng pumasok sa panibagong relasyon.

Dahil dito, tila walang katotohanan ang bali-balita na nagkakamabutihan muli sila ni Meg Imperial na minsan na ring na-link sa kanya.

Pahayag ni JM, “Sabi sa aking program, di pa rin ako puwedeng magrelasyon.

“Priorities ko muna yung recovery, family, work.

“Kasi di ba, last time, pinagsabay-sabay ko? Nagkagulu-gulo.

“Si Meg? Nakakausap ko siya.

“Di naman on daily basis pero paminsan-minsan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN