Why was Richard Gutierrez "shouting" while hosting Binibining Pilipinas 2018?

IMAGE Courtesy of Binibining Pilipinas

"Pia & Chard can't hear themselves speak so sometimes they need to raise their voices," says Ruffa Gutierrez explaining why brother Richard Gutierrez had to shout while hosting Binibining Pilipinas 2018.


Kakaumpisa pa lang ng telecast ng Binibining Pilipinas 2018 kagabi, March 18, naging usap-usapan agad sa internet ang isa sa mga host nitong si Richard Gutierrez.

Kapansin-pansin kasi ang pasigaw na paghu-host ni Richard.

Katuwang ng Kapamilya actor na nag-host ng grand coronation ng Binibining Pilipinas 2018 si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Sa Twitter, kung saan mas real-time ang pagkokomento ng mga manonood, marami ang pumuna sa naging istilo ng paghu-host ng dating La Luna Sangre actor.




Nakarating naman ito agad sa ate ni Richard, ang actress-beauty queen na si Ruffa Gutierrez, na nakatutok din sa Binibining Pilipinas 2018 grand coronation.

Sa Twitter post niya, nabanggit ng Miss World 1993 2nd Princess kung bakit kailangang taasan ni Richard ang kanyang boses habang naghu-host.

Aniya, "Talking to @teamgutierrez now - they have a break while the judges are deliberating. He said mahina yung audio.

"Pia & Chard can't hear themselves speak so sometimes they need to raise their voices. Calling audio people... Yoo-hoo! #BbPilipinas2018."

Bago si Richard, si Xian Lim ang male host ng Binibining Pilipinas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN