Lea Salonga turns to Twitter to call out woman ignoring wait sign inside airport

IMAGE Noel Orsal

Lea Salonga: "Mga simpleng patakaran, ayaw sundin. Kailangan pa bang tanungin kung bakit? Bilang bansa, hindi tayo umuunlad."


Uminit ang ulo ni Lea Salonga sa isang babaeng hindi sumunod sa simpleng patakaran sa mga pampublikong lugar.

Idinaan ng Pinay Broadway star sa Twitter post ang reklamo sa pinuna niyang tao sa “wait behind yellow line” sign na makikita sa sahig ng airport.

Sabi ni Lea, “Excuse me lady, what part of 'Wait behind yellow line' do you not understand?” #Seriously.”

Tinawag daw ni Lea ang atensiyon ng babae sa paraang hindi siya nagtaray rito.

Sinundan niya ito ng isa pang tweet na nagsasabing hindi marunong sumunod sa simpleng patakaran ang ibang tao.

Ito raw ang isang dahilan kung bakit hindi umuunlad ang ating bansa.

“Mga simpleng patakaran, ayaw sundin. Kahit saan.

“Kailangan pa bang tanungin kung bakit? Bilang bansa, hindi tayo umuunlad.”

Ilan sa mga follower ni Lea ang nagkainteres na alamin kung Pinoy ba o foreigner ang pinuna niyang tao.

Sagot ni Lea, “Old lady Filipino. Most likely balikbayan.”

Napukaw naman ang atensiyon ng Kapamilya TV host-actor an si Luis Manzano sa tweet na ito ni Lea. 

Aniya, “and those are the people who want change?” na dinugtungan ng hilarious emoticon.

Pinuri si Lea ng kanyang followers sa malasakit nitong sundin ang simpleng patakaran sa public places.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN