Megan Young denies living in with boyfriend Mikael Daez: "Hala. Di kami magka-live-in."

IMAGE Arniel Serato

Megan Young, Mikael Daez share secret of their seven-year relationship: "Open communication kami... Hindi kami nagwo-worry. Secure talaga."


Magwa-walong taon na ang relasyon nina Miss World 2013 Megan Young at Kapuso actor Mikael Daez. Ngunit recently lang ito inamin ng dalawa.

Sa tinagal-tagal na ng kanilang relasyon, sinabi ni Megan na sigurado na sila sa isa’t isa.

Sabi ng 28-year-old Kapuso actress, “Oo naman, secure na secure.”

Ayon naman kay Mikael, may mga pinag-aawayan din sila ngunit maliliit lang daw na bagay ang mga ito.  

Sabi ng 30-year-old actor, “Oo naman, abnormal na kami kung di kami nag-aaway.”

Dagdag ni Megan sa sinabi ng boyfriend, “Maliit na bagay lang, pero never selos.”

Ayon pa sa dating Miss World, hindi sila nagtatanong sa isa’t isa kung ano ang kanilang mga ginagawa.

Ani Megan, “Wala, kasi sinasabi na namin.

"Yun yung sinasabi namin kanina, open communication kami kaya wala, e.

"Hindi kami nagwo-worry. Secure talaga.”

Ngunit ikinagulat nito ang tanong tungkol sa pagli-live in daw nila.

Tugon ni Megan, “Hala. Di kami magka-live-in.”

Biro pa ni Mikael, “Ano na tayo [magka-live in] since January sa set [ng The Stepdaughters]. Magka-live-in tayo sa set.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang local press sina Megan at Mikael sa presscon ng The Stepdaughters sa New Asia restaurant, sa Davao City, noong Biyernes, March 16.

Kasama rin ng dalawa sa Davao ang co-star nila sa The Stepdaughters na si Katrina Halili.


Pagkatapos ng presscon, dumiretso ang tatlo sa SM City Davao kung saan nagkaroon sila ng mall show na hatid ng GMA Regional TV.




Ito ay para sa ika-81 selebrasyon ng Araw ng Dabaw.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN