Katrina Halili enjoys being single for almost four years: "Walang nakikialam, walang kahati sa oras."

IMAGE Arniel Serato

Hindi raw priority ngayon ni Katrina Halili ang love life. Nag-i-enjoy pa raw kasi siya sa pagiging single na walang nakikialam sa kanyang buhay. 


Halos apat na taon nang hiwalay sina Katrina Halili at Kris Lawrence.

Ngunit nananatiling civil ang kanilang relasyon alang-alang sa kanilang anak na si Katrence.

Ngayon, wala na raw silang pakialaman pagdating sa kani-kanilang personal na buhay.

May alam ba si Katrina na bagong karelasyon ni Kris?

Tugon ng Kapuso actress, “Oo, parang. Okay lang sa akin yun. Go.”

Hindi ba siya nasasaktan kahit hiwalay na sila?

Sagot niya, “Wala. Past is past.

"Tapos na ‘yan, hindi na natin dapat balikan yung mga nakaraan.

“Dapat marami na tayong natutunan sa mga nakaraan. Dapat tayong tumayo kung ano ang nararapat.

“Ayoko na, yung nakaraan ay hindi na dapat balikan.

"Kung ano man yung pangyayari, tao man ito, bagay, kung ano man ‘yan.”

Sa ngayon, hindi pa ba siya naghahanap ng bagong mamahalin?

Tugon ng The Stepdaughters actress, “Hindi po talaga.

"Sabi kasi nila, may naririnig akong love story, hindi naman nila hinahanap, dumadating.

“So, dun na lang ako. Ayokong tumingin, ayoko yung ganyan.

“Nag-enjoy pa po akong maging single, na walang nakikialam, walang kahati sa oras.”

Nakakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Katrina sa Davao City noong Biyernes, March 16, sa ginanap na Kapuso Araw ng Dabaw celebration ng GMA Regional TV.


Kasama rin ni Katrina sa Davao ang co-stars niya sa The Stepdaughters na sina Megan Young at Mikael Daez.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN