Michael V. becomes "social media millionaire" for parody of Ex Battalion's hit song

IMAGE Noel Orsal

"Social media millionaire" na ang bansag ngayon sa Kapuso comedian na si Michael V. dahil sa miyun-milyong hits ng kanta niyang "Gayahin Mo Sila," na parody ng monster hit song ng Ex Battalion na "Hayaan Mo Sila."


Sinabi ng mga miyembro ng Ex Battalion sa contract signing nila bilang celebrity endorsers ng RRJ Jeans noong nakaraang linggo na natutuwa sila sa "Gayahin Mo Sila," ang parody ni Michael V. sa kanilang monster hit song na "Hayaan Mo Sila."

Para sa Ex Battalion, malaking karangalan na isang sikat na comedy actor ang gumaya sa kanta nila.

Noong January 2018, inalis sa YouTube ang music video ng "Hayaan Mo Sila" na meron nang milyun-milyong views dahil sa copyright issue.

Humihingi ng karagdagang bayad mula sa Ex Battalion ang Russian musician na si Diamond Style nang malaman nitong big hit sa Pilipinas ang "Hayaan Mo Sila."

Si Diamond Style ang creator ng beat ng hit song ng Ex Battalion.

Pansamantalang nawala sa YouTube ang music video ng "Hayaan Mo Sila," pero ibinalik ito sa video-sharing website nang magbayad ang Ex Battalion kay Diamond Style ng US$3,000.

Tulad ng "Hayaan Mo Sila," naging popular sa masa ang "Gayahin Mo Sila" na isinulat ni Michael V.

Sa presscon ng Season 3 ng Lipsync Battle Philippines ngayong Lunes, March 19, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Michael V. kung nagbayad din siya kay Diamond Style dahil ginamit niya ang beat na nilikha ng Russian musician.

"Hindi," sagot ni Michael V.

Ayon sa comedian-musician, ang GMA Network ang nagbayad sa Ex Battalion para magamit niya sa "Gayahin Mo Sila" ang beat ni Diamond Style.

"GMA ang nagbayad. Meron silang ibinayad na certain amount kay Ai-Ai delas Alas," pagtukoy niya sa manager ng Ex Battalion.

Patuloy ni Michael V., "Mali yung sinasabi na ninakaw ng Ex Battalion.

"Since binayaran na nila yung si Diamond Style para doon sa music at gumawa sila ng sarili nilang melody para sa 'Hayaan Mo Sila,' may right na sila doon.

"So kami, yun ang babayaran namin sa kanila.

"Since si Ai-Ai ang manager, madali naman kausap."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi raw alam ni Michael V. kung magkano ang ibinayad dahil ang GMA-7 ang nakipag-usap kay Ai-Ai.

SOCIAL MEDIA MILLIONAIRE. Natawa naman si Michael V. sa "social media millionaire" na bansag sa kanya ng GMA-7 dahil sa success ng "Gayahin Mo Sila."

Saad niya, "Ilang araw kong pinag-isipan 'yan kasi, una, ni-research ko muna sa YouTube kung sino yung mga nag-parody para maiwasan ko.

"Sa dami ng gumaya, yun na, yun ang nag-spark.

"Sa YouTube, 2.5 million something na ang views. Sa Facebook, 7 million something na.

"Sa GMA at bukod pa yung account ng Bubble Gang na seven-plus million, talagang billionaire na ako pagdating sa hits.

"Alam ko sa YouTube, puwedeng i-monetize, but I have no right dahil hindi naman sa akin nanggaling, sa GMA.

"Pero abangan ninyo dahil meron akong ipa-publish sa YouYube channel ko, yung reaction video ng Ex Battalion dun sa song.

"First time nilang narinig yung song. Sila mismo ang magre-react.

"Maganda yung istorya niya, e," ang excited na balita ni Michael V. tungkol sa  video nila ng Ex Battalion.

Simula sa April 1, muling mapapanood sa GMA-7 ang third season ng Lip Snyc Battle Philippines.

Si Iya Villania pa rin ang co-host ni Michael V.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN