Edu Manzano reveals reason for not renewing contract with GMA-7

IMAGE Arniel Serato

Edu Manzano closes doors on politics: "Nakaalis tayo sa public service na hindi nabahiran ang ating pangalan. So, I guess, tama na yun."


Tapos na ang kontrata.

Ito ang pangunahing rason kung kaya't nagbalik-Kapamilya si Edu Manzano matapos niyang hindi mag-renew ng kontrata sa GMA Network.

Ang huling programa ng actor-TV host sa Kapuso network ay ang comedy-game show na Celebrity Bluff.

Ayon kay Edu, “Ang haba-haba [tagal-tagal] ko na sa Celebrity Bluff.

“Tsaka maganda rin yung hindi ka natatali sa isang genre.

"So, maganda rin yung masubukan mo rin lahat."

Paliwanag pa niya, “Nagtapos na yung kontrata, pero there’s an option to renew.

"Pero dumating din yung offer... actually, matagal-tagal na rin yung offer sa Ang Probinsyano sa akin."

Ang tinutukoy ni Edu ay ang long-running prime time series ng ABS-CBN na FPJ's Ang Probinsyano, kung saan bida si Coco Martin.

Kaya ba siya hindi nag-renew sa GMA-7 dahil hindi siya nabigyan ng sariling game show?

Paglilinaw ni Edu, “Hindi naman sila kuwan, e... ang kanya-kanyang network, may kanya-kanyang lakas, e.

“Ang sinasabi nga, ang strong points sa Kapuso, nakita mo yung fantasy, marami silang ganung klaseng tema.

“Sa ABS-CBN naman, andun naman yung drama kung saan sila nakilala.

"So, kung ikaw ay isang artista, gugustuhin mo talaga na masubukan mo lahat.

“Minsan action, drama, comedy...

"Ako, suwerte lang ako, e, nasubukan ko lahat, pati game show."

Maliban sa Celebrity Bluff, napanood din si Edu sa mga Kapuso teleserye na Someone To Watch Over Me at Alyas Robin Hood.

Itinuturing naman niyang right timing ang offer ng ABS-CBN kaya kaagad niya itong tinanggap.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Edu sa first anniversary ng Hazelberry Café ni Ara Mina noong Huwebes, March 15.

Isa si Edu sa nagpakita ng suporta sa kaibigang aktres sa bago nitong negosyo.


NO TO POLITICS, AGAIN. Sa FPJ’s Ang Probinsyano, gagampanan ni Edu ang role bilang si Vice President Lucas Cabrera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ipinagmamalaki niyang siya ang mabigat na kalaban ng bidang si Coco bilang si Ricardo Dalisay.

Sa totoong buhay ba ay tatakbo muli siya sa isang national position sa mid-term elections sa 2019?

Tugon ng dating bise-alkalde ng Makati City, “Hindi na, hindi na. I’m good na, okay na ako.

“You know, nakapag-serve tayo kahit papano, nakaalis tayo sa public service na hindi nabahiran ang ating pangalan.

"So, I guess, tama na yun."

Taong 2001, tumakbo sa pagka-mayor ng Makati si Edu matapos ang kanyang tatlong termino bilang vice mayor, ngunit natalo siya ni Jejomar Binay.

Noong 2010 elections, tumakbo siya sa pagka-bise presidente bilang running-mate ni Gibo Teodoro, ngunit tinalo muli siya ni Binay.

Taong 2016, tumakbo siya bilang senador, pero hindi siya pinalad na makapasok sa Magic 12.


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN