Did Juancho Trivino flash dirty finger at Alden Richards?

IMAGE Noel Orsal

Kumakalat ngayon sa social media ang video ni Juancho Trivino (kanan) na nag-flash ng dirty finger pagkatapos ipakita ang litrato ni Alden Richards (kaliwa) para sa endorsement nito ng isang watch brand.


Nagpupuyos sa galit ang ilang fans ni Alden Richards dahil sa kumakalat na video ngayon ng kapwa nito Kapuso star na si Juancho Trivino.

Sa naturang video, mapapanood na unang naka-focus ang camera sa poster ni Alden para sa isang watch brand.

Maririnig sa background ang boses ng isang babae na tumatawa at nagsabing, "Nandito si Alden."

Pagkatapos ay ipinaling ang camera sa nakaupong si Juancho, na tila nasa isang loob ng store ng watch brand na iniendorso ni Alden.

Sa pag-focus ng camera kay Juancho, akto namang itinaas niya ang dalawang kamay na parehong naka-dirty finger.

Nakangisi rin ang aktor.

Ang video na ito ay labis na ikinagalit ng fans, hindi lang ni Alden kundi pati ng love team nila ni Maine Mendoza—ang AlDub.

Dahil dito ay inulan ng hate messages ang Instagram account ni Juancho.

Ngunit agad naman niyang in-off ang comment feature sa kanyang account.

JUANCHO APOLOGIZES. Ngayong Lunes ng gabi, March 19, naglabas ng mensahe sa Twitter si Juancho.

Dito ay humingi siya ng paumanhin kay Alden at sa pamilya nito, sa mga tagahanga, at sa pamilya niyang nadamay sa isyung ito.

Pero nilinaw ni Juancho na isa lamang itong "bad joke" na hindi para kay Alden.

Narito ang kabuuang pahayag ni Juancho:

Humingi rin ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng pahayag sa GMA Artist Center (GMAAC), na namamahala sa showbiz career nina Juancho at Alden.

Sa pamamagitan ng GMA Corporate Communications, ipinadala ng GMAAC head na si Gigi Santiago-Lara ang maiksing pahayag na ito:

"The video of Juancho Trivino was brought to our attention and we will deal with it internally. Thank you."

Bago sila kapwa pumasok sa showbiz, naging magkaklase sina Alden at Juancho sa De La Salle University-Canlubang, sa Laguna, noong college.

Naging co-stars din sila sa Destined To Be Yours (2017), ang unang teleserye nina Alden at Maine bilang magka-love team.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN