Precious Lara Quigaman almost faints during Bagani taping because of pregnancy

IMAGE Instagram

Beauty queen-turned-actress Precious Lara Quigaman is 11 weeks pregnant with second child with husband Marco Alcaraz.


Muntik nang himatayin si Precious Lara Quigaman sa set ng ABS-CBN prime time series na Bagani kamakailan dala ng pagbubuntis nito. 

Kinumpirma ni Lara na 11 weeks pregnant na siya nang umupo siya bilang isa sa board of judges sa Binibining Pilipinas 2018 noong March 18.

Ini-expect daw nilang sa October manganganak ang Miss International 2005.

Ibinahagi naman ng mister niyang si Marco Alcaraz na medyo nahihirapan ngayon si Lara sa pangalawang pagbubuntis niya, dahil lagi itong nahihilo at may morning sickness.

Kuwento ng Kapuso actor, “Muntik nga siyang mahilo dun sa set ng Bagani.

"All-star cast kasi, nahiya siyang i-cut yung sarili.

“Buti na lang nakita siya ni Rayver [Cruz] na muntik nang himatayin, pinuntahan niya si Lara para i-cut na sila.

"Sabi ni Rayver, putlang-putla na raw. Muntik na talagang himatayin.

“Nahiya lang si Lara na mag-cut kasi nga all-star cast, kaya tiniis niya."

Ito nga raw ang ipinag-aalala ni Lara dahil kasisimula lang niya sa Bagani.

Pero sabi naman ng beauty queen-turned-actress, kakayanin pa naman.

Pahayag ni Lara, “Hopefully, maging okay lahat. Maging healthy ang pregnancy.

“Tuloy pa naman ang taping. Sobrang relaxed naman yung taping namin, e.” 

Pero dagdag na kuwento ni Marco, pinapag-bed rest pa nga raw sana ng doktor ang kanyang asawa.

Ani Marco, “Nung una nga, bed rest, e.

"May konting hemorrhage kasi sa ano niya sa... pag-ultrasound, may konting hemorrhage.

“Sa loob, may nakita na konting hemorrhage, kaya dapat bed rest.”

Pero medyo okay na raw ngayon si Lara, kaya gusto nitong ituloy pa rin ang taping sa Bagani.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Marco sa event ng McDonald’s na National Breakfast Day. na ginanap sa Madison branch sa Greenhills, San Juan City, kahapon, March 19.

EXCITED PARENTS. Mas nananaig daw ang excitement kina Marco at Lara ngayon dahil nakikita nila na ang panganay nilang si Noah ang pinaka-excited sa lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

For we live by faith, not by sight. 2 Cor 5:7 . I have nothing but gratefulness to God for eveything that has happened in my life. Grateful for my husband, for my son, for my families and friends.. grateful for the happiest moments and even for the worst of days... grateful for His Grace that gives me faith everyday. . I shared this message three years ago but it speaks so deep into my soul even today, what a beautiful reminder to live by faith and not by sight... . We may not understand. We may feel hopeless. We keep asking Why Lord? Why? How can You allow certain things to happen..? We may know in time or we may never know at all. But there is comfort when we accept that our mind can never compare to the Greatness of God's. Only He knows.. And His ways are better than ours. We may never understand, but God will always always be in control. Always. So let us give it all to Him. Let us abandon all our sorrows, our worries, our troubles and Let Him be in control because He is. this is all so easy to say but so hard to do, but once we let go and let God... There is peace even when we do not know and cannot see what's ahead. Praying for comfort, strength and peace of heart and mind for every troubled heart and soul tonight. In Jesus Mighty Name.

A post shared by Lara Quigaman Alcaraz (@laraquigaman) on

Kuwento ni Marco, “Sobrang excited. Gusto niyang magkaroon ng baby sister, e.

“Tinatanong namin, ‘Anong gusto mo, baby brother o baby sister?’ Baby sister daw.” 

Kahit silang mag-asawa ay baby girl na rin daw ang gusto nila dahil tingin ni Marco, mas masayang kalaro ang baby girl. 

Mas malambing din daw ito, at magiging kumpleto na sila—one boy, one girl.

Ngayon daw ay nag-iisip na si Noah kung ano ang ipapangalan sa baby.

Kung girl daw ito, dapat daw na ipangalan ay si Yessa.

Natatawang kuwento ni Marco, “Kasi Noah siya, ‘No’ minsan ang tawag sa kanya.

“Kaya ang baby sister daw niya, dapat Yessa para ‘Yes’ naman!” 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN