Loisa Andalio dismisses rumors linking Ronnie Alonte to Vice Ganda

IMAGE Noel Orsal

Loisa Andalio shrugs off pressure to admit real score between her and her love-team partner Ronnie Alonte. She told PEP.ph, "Parang tama lang kasi hindi naman lahat inu-all out mo. Parang siyempre kailangan mo ring magtira ng mystery para sa amin."


Iba-iba ang reaksiyon ng netizens tungkol sa guest appearance nina Loisa Andalio at Ronnie Alonte sa Gandang Gabi Vice (GGV).

Kung may mga kinilig sa sweetness ng dalawa, may ilan naman ang nagpahayag ng pagkadismaya.

Bakit pa raw kasi dine-deny nina Loisa at Ronnie ang kanilang relasyon gayong kitang-kita namang may namamagitan sa kanila. 

Sa latest interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Loisa, nagbigay siya ng pahayag tungkol sa mga feedback na ito.

Aniya, "Ang dami ko ngang nabasa na hindi maganda at, siyempre, may magaganda ring comments.

"Ang hirap naman kasi, yung ibang love teams, tinatanong, 'O, kayo na ba?'

"Pag sinabing hindi, 'O, tanggapin natin yun.'

"Kasi kami nun, parang gisang-gisa kami, e. Pero happy naman kami.

"Actually, napanood ko ang GGV, pero ako, nung pinanood ko bilang faney [fan] din naman ako dati, enjoy naman ako.

"Parang tama lang kasi hindi naman lahat inu-all out mo.

"Parang siyempre, kailangan mo ring magtira ng mystery para sa amin."

Nakausap ng PEP.ph si Loisa sa set visit ng The Good Son, na ginanap sa Tivoli Royal clubhouse, kahapon, March 19.

RONNIE & VICE. Hiningan din namin ng reaksiyon si Loisa sa pagkaka-link ni Ronnie kay Vice Ganda.

Sa espekulasyon ng iba, ito raw ang rason kung bakit parang sobrang kampante sina Vice at Ronnie sa isa't isa.

Ayon naman kay Loisa, "Hindi, kasi kilala ko si Ate Vice.

"Actually, mama-mamahan ko yun.

"Minsan kasi, ang tingin sa kanya ng mga tao, pag may close siyang lalaki, 'Ay, ano 'yan ni Vice.'

"Pero sa totoo lang, kung makikita nila, sobrang bait, sobrang bait ni Vice sa mga nakakasama niya.

"Wala akong nakikitang kamali-malisya. Hindi talaga."

MAHAL KONG INA!!!!! ?????? #TRSTheVictoryParty

A post shared by Loisa Andalio ???????? (@iamandalioloisa) on

Patuloy niya, "Kaya pag may nababasa kami sa diyaryo, natatawa kami.

"Sabi ko, 'Ano ito? Ano ito? Ikaw, ha.' 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sasabihin nun [ni Ronnie], 'Baliw, baliw.'

"Saka ako, personally, alam ko na close talaga sila ni Vice, nagdi-dinner sila minsan.

"Sobrang walang meaning sa akin yun."

ON JOSHUA GARCIA. Bagamat sila ni Ronnie ang magka-love team, ang kapareha ni Loisa sa The Good Son ay si Joshua Garcia, na dati ring na-link sa kanya.

Marami ang bumibilib sa propesyunalismo na nakikita sa dalawa, kahit aminado silang hindi nag-uusap sa set.

Sabi ni Loisa tungkol dito, "Kinikilig ba kayo?

"Kailangan naming gawin ang trabaho namin kundi matatalakan kami, baka sabunin kami.

"Kailangan, e. Kumbaga, nasanay na ako na kaeksena siya.

"Hindi na rin bago sa akin siyang kaeksena, kasi may ginawa kami dati na teleserye and MMK.

"Kaya hindi na bago sa akin na magkaeksena kami."

Itinanggi rin ng young actress ang isyung sinabi raw niya sa isang interview na niloko siya ni Joshua noon dahil kay Louise delos Reyes.

Pahayag ni Loisa, "Wala, wala akong ganyang interview.

"Wala, wala... ewan ko paano ninyo nalaman, pero wala.

"Ewan ko kung paano lumabas 'yan, hindi ko alam kung saan nakuha.

"Pero walang nag-interview sa akin about that question.

"Walang nag-interview sa akin at wala akong sinasabi sa inyo, wala."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN