Liz Uy wants privacy after admitting that she's now a mother

IMAGE Instagram photo of Liz Uy

Liz Uy on posting her picture with son Xavi: "I can say and do whatever I want, and then bahala sila whatever they want to think din."


Privacy ang hiling ng celebrity stylist na si Liz Uy matapos niyang ipakilala sa publiko ang kanyang anak.

“Saka na lang natin pag-usapan,” ang maiksing sagot ni Liz nang tanungin ng ABS-CBN News tungkol sa edad ng anak niya.

Noong Biyernes, March 16, nag-post si Liz ng larawan niya karga-karga ang isang cute na baby boy.

Sa eksklusibong panayam sa kanya ng Preview, kinumpirma ng celebrity stylist na ang bata ay ang anak niyang si Xavi.

Sabi pa ni Liz, malaki ang pagbabagong naidulot sa kanyang buhay ng pagdating ng anak.

“I don't really think only of myself anymore.

“Every time I do anything, I think of Xavi first.”

Bagamat kinumpirma na niya ang matagal nang usap-usapan tungkol sa pagkakaroon ng anak, sinabi ni Liz na hindi niya obligasyong magbigay pa ng karagdagang detalye tungkol sa kanyang post.

Pahayag niya sa ABS-CBN News, “For me, well that's my [Instagram] page naman, and I can say and do whatever I want, and then bahala sila whatever they want to think din.

“Kasi, I'm not naman answerable to anyone.”

Wala raw siyang pinagsisisihan.

Sabi pa niya tungkol sa pagiging isang ina, “The best accomplishment I've done.”

Sa ulat naman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), inuugnay ang pangalan ni Liz sa negosyanteng si Raymond Racaza.

Si Racaza ay ang president, chief operating officer, at co-founder ng Xurpas Inc., isang kumpanya na gumagawa at nagde-develop ng mobile consumer content and services para sa telecommunication companies.

Pinaniniwalaang si Racaza ang ama ng anak ni Liz.


Stories We Are Tracking

Liz Uy finally admits she's now a mother
Liz Uy finally admits she's now a mother
Liz Uy introduces Baby Xavi on Instagram
Liz Uy introduces Baby Xavi on Instagram


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN