Sandra Lemonon vows to join Binibining Pilipinas again; earns praise from celebs

IMAGE Screen grabs from You Tube / ABS-CBN

It's Showtime hosts (right photo; L-R) Bela Padilla, Vice Ganda, and Anne Curtis commend Binibining Pilipinas 2018 candidate Sandra Lemonon (left) for her honesty in answering a question.


Babalik si Sandra Lemonon sa Binibining Pilipinas sa 2019.

Ito ang kinumpirma ni Sandra matapos siyang mabigong makakuha ng korona sa Binibining Pilipinas 2018 grand coronation, na ginanap sa Smart Araneta Coliseum noong Linggo, March 18.

Lumikha ng ingay ang 23-year-old Filipino-French beauty-queen aspirant dahil sa kanyang pagpapakatotoo sa question-and-answer (Q&A) portion ng Binibining Pilipinas 2018.

Nakapasok si Sandra sa Top 25, gayundin sa Top 15 para makausad sa Q&A portion.

Ang tanong sa kanya ng judge na si Megawide Construction Corp. Chair Edgar Saavedra, ano ang pananaw niya sa “Build, Build, Build” program ng kasalukuyang administrasyon.

Prangkang sagot ni Sandra, “The insights of the government’s ‘Build, Build, Build’ program...

"Actually, you know what, I studied so much for this Q&A, but sadly that’s something that I don’t know really much about.

"But, at least I’m here trying to answer a good question. Thank you!"


Stories We Are Tracking

Why Bb. Pilipinas contestant Sandra Lemonon is a winner
Why Bb. Pilipinas contestant Sandra Lemonon is a winner

Ang "Build, Build, Build" program ay ang kampanya ng gobyerno na i-modernize ang infrastructure sector ng bansa. 

"I AM COMING BACK." Maraming nanghinayang kay Sandra, lalo na't inaasahan ng pageant fans na makakakuha siya ng korona.

Pero marami ring humanga dahil sa pagiging tapat ng kanyang sagot.

Sa isang Instagram post ni Sandra ngayong Martes, March 20, nagkomento ang isang netizen kung sasali ba siyang muli sa Binibining Pilipinas sa susunod na taon.


Pagkumpirma naman ni Sandra, “Yes! I am coming back.”


CELEBRITIES REACT. Samantala, may ilang celebrities din ang pumuri kay Sandra sa pagiging honest nito sa Q&A portion.

Sa episode ng It’s Showtime kahapon, March 19, pinapurihan nina Vice Ganda, Bela Padilla, at Anne Curtis si Sandra.

Sabi ni Vice, “Kahit ako, hindi ko alam ang ‘Build, Build, Build’ na ‘yan, ano!

“Kahit yung mga tao sa likod, nagtalikuran, ‘Ano yung ‘Build, Build, Build?’

“Gusto ko nga yung sinabi niya na, ‘Hindi ko po alam yung sagot.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi naman ni Bela, “Honest siya, hindi niya alam ang ‘Build, Build, Build’ program.

“Actually, napabasa ako after nun, kasi nagtaka rin ako kung ano yung ‘Build, Build, Build.’"

Pagsang-ayon din ni Anne, “Honest kesa naman mang-echos ka pa onstage, di ba?”

Maging si KC Montero, na naging host din ng Binibining Pilipinas pageant, ay sunud-sunod ang tweets tungkol sa tanong kay Sandra.

Aniya, ang sagot ni Sandra ang pinakadiretso sa lahat ng contestants.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN