Alden Richards admits he became full of himself when it came to acting

IMAGE Noel Orsal

Alden Richards develops a renewed thirst for acting after attending workshop under Anthony Vincent Bova. He told PEP, "Ang dami pong technique na itinuro kaya nakakagigil lalo, ang sarap-sarap pong umarte lalo."


Marami raw natutunan ang Pambansang Bae na si Alden Richards nang lumahok siya sa isang acting workshop na pinangunahan ng New York-based acting coach na si Anthony Vincent Bova.

“Hay naku po, nag-iba po ang tingin ko sa workshop,” bulalas ni Alden sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

“Sabi ko po nun sa sarili ko, parang naging full of myself po ako.

“Parang sinasabi ng mga tao na 'Nakakaarte ka na,' nababasa ko po sa mga comments.

“Parang na-realize ko sa sarili ko, 'Ay, hindi ko na kailangan ng workshop.'" 

Nabago raw ito nang um-attend siya sa workshop ni Bova, na inorganisa ng GMA Artist Center. 

Kuwento ni Alden, “Noong um-attend ako ng workshop, na-realize ko na ito lang pala ang alam ko.

“Yung kakapiraso na may mas malaki pa pala. May mas malalim na puwedeng paghugutan as an actor.

“Mas lalo po akong nae-excite na magtrabaho ngayon because of that workshop.

"And sobrang thankful ko po sa GMA and GMA Artist Center to have invested kay Mr. Anthony."

Tatlong taon daw hindi nakadalo si Alden ng kahit na anong acting workshop.

BONDING WITH FELLOW ARTISTS. Naging daan din ang naturang acting workshop upang maka-bonding niya ang mga kasamahan sa GMA Artist Center.

Aniya, “Naka-bond ko po sila, kasi grupo po kami dun.

“Parang lahat po kami, iisa ang feedback namin pagdating po sa workshop na yun.

“Sobrang saya lahat, sobrang open lahat.”

Dugtong pa ni Alden, “Hindi lang yung mga talents namin ang nahasa, pati yung bonding.

“Kasi, yung workshop po na yun, bubuksan ka po. Lahat ilalatag mo sa kanila.

“It’s a trust group, para pong ganun.

“With the help po ng workshop na yun, ang dami po naming na-discover sa sarili namin.

“Before po kasi, 'Hi' and 'Hello' lang ang mga artista sa GMA.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So ngayon, mas masasabi ko na nagkaroon kami special bonding through that workshop.”

READY FOR NEXT ACTING PROJECT. Pagkatapos ng pagsali niya sa workshop, handa na ba siya sa nilulutong prime time series na pagbibidahan niya?

“Kung matutuloy, sobrang ready po,” sagot ni Alden.

“Pero siyempre po, kahit ready, kulang pa rin po yun. So, tuluy-tuloy pa rin. 

“That’s why se-segue po ako. From Toronto, pupunta po ako ng New York to attend [a workshop], at least two days.

“Winu-work-out po ni Ms. Ana [Feleo] na, at least, mabigyan po ako ng one-on-one workshop.”

Si Ana Feleo ay isa sa naging instrumento upang makuha si Anthony Vincent Bova para sa workshop ng GMAAC talents.

Matagal nang dumadalo si Ana sa acting classes ni Anthony sa New York.

Pupunta ng Toronto, Canada at New Jersey, U.S.A. si Alden sa April 7 at 8 para sa Sikat Ka, Kapuso show.

Kasama niya ang iba pang prime stars ng GMA-7 tulad nina Dennis Trillo, Jennylyn Mercado, Lovi Poe, Betong Sumaya, at Dingdong Dantes.

Hindi maikakailang tila nauhaw si Alden sa kaalaman pagdating sa pag-arte.

Aniya, “Iba po, iba… ako po, ini-encourage ko, kahit hindi artista, na mag-Eric Morris specifically, kasi para po siya sa lahat.

"Hindi lang po siya para sa actor, for everyone.

“Parang ikokonek ka niya sa sarili mo.

“Kikilalanin mo ang sarili mo kasi ang pangalan po ng style is 'being.' So, everyone in you.”

Si Eric Morris ay isang Los Angeles-based acting teacher at actor. 

Ayon pa kay Alden, ang goal niya ngayon bilang isang aktor ay maibigay lahat kahit sa kanyang palagay ay hindi niya kaya.

In terms of roles, ano na ang mga gusto o pinapangarap niyang gawin?

“Actually, hindi na po yung role, kundi kung paano ko na po mabibigyan ng interpretation or touch yung role.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Halimbawa, bibigyan ako ng isang plato ng spaghetti, paano ko pa siya mapapasarap as an actor.

“Hindi na po sa role kung hindi kung paano ko na mapapaganda ang role at kung paano siya magiging iba sa mga nagawa ko.

“Ang dami pong technique na itinuro kaya nakakagigil lalo, ang sarap-sarap pong umarte lalo.”

Patuloy niya, “And coming from napanood ko ang Oscars… sabi ko, one day sana.

“Kahit na maka-red carpet ka lang sa Oscar.

“Yun po ang long-term motivation ko. Isipin ko lang palagi, pang-Oscar, pang-Oscar [na acting].”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN