Iya Villania remains optimistic amid theft incident

IMAGE Noel Orsal

More than fear, Iya Villania felt more relieved when she saw the CCTV footage of the theft incident that happened to her inside a mall last week. She says, "I'm just happy na may mga mukha. It's just a matter of proving na magkakasabwat nga silang lahat."


Wala raw kasiguraduhan kung mahuhuli pa ang mga taong nagnakaw ng cell phone ni Iya Villania sa isang mall sa Mandaluyong City kamakailan.

“I really don't know. Hindi ko alam kung mahuhuli,” sabi ni Iya nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters sa press conference ng third season ng Lip Sync Battle Philippines kahapon, March 19.

Base sa Instagram Story niya noong March 15, naging biktima si Iya ng pagnanakaw habang namimili, kasama ang anak niyang si Primo, sa isang toy store.

Apat na magkakasabwat na tao ang suspek sa insidente.


Stories We Are Tracking

Iya Villania falls victim to robbers inside toy store
Iya Villania falls victim to robbers inside toy store

Nakita ni Iya ang pagnanakaw nang i-review ang CCTV footage sa loob ng toy store.

“I'm just happy na may mga mukha. It's just a matter of proving na magkakasabwat nga silang lahat,” sabi ng Kapuso TV host-actress.

Hindi raw nakaramdam ng takot si Iya nang makita ang pangyayari sa CCTV.

Sa halip, aniya, “Nasabi ko na lang, 'Ayun! Huli ka balbon!'

“Parang ang sarap din sa pakiramdam kapag nakita mo na, 'Ah, yun yung nangyari.'

“Kasi, for a time, I was thinking kung saan ko ba naiwan yung phone—nasa bulsa ko ba o nalaglag lang at may nakapulot or nilapag ko ba somewhere.

“It's just nice when you get answers to your questions, na ayun pala.

“I did put it away sa stroller ko. Kasalanan ko.

"Actually, I don't really remember kung nasara ko yung zipper o hindi.

“But at least, alam ko kung paano siya nawala.”

Dagdag pa ng “Chika Minute” host, “Honestly, hindi ko sure kung alam nila na akin yun.

“Kung magnanakaw ka, gagawin mo pa ba kung alam mong taga-media siya?

“So I'm not sure kung alam nila na yung ninakawan nila ay nagwu-work on TV.

“I guess, today, wala silang pinipili, or baka may pinipili and hindi lang nila alam na ako yun... hindi ko alam.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Iniisip na lang daw ni Iya na maaaring may dahilan kung bakit sa kanya ito nangyari.

“Maybe that's why God allowed for it to happen para makalabas.

“Feeling ko nga, maybe God allowed for that to happen, siguro hanggang doon lang at hindi yung anak ko ang nawala.

“Siguro He wanted word to get out.

"He probably chose for me to be the victim kasi I have the venue o I have a way to get the news out there."

Hindi man mahuli ang mga magnanakaw, kahit papaano raw ay nabigyan ng babala ni Iya ang mga tao, lalo na ang mga magulang na umaalis kasama ang kanilang mga anak.

“Well, kung hindi man sila mahuhuli, I think the most positive thing that can happen is that other moms and other people in that mall can be more cautious and more aware,” mensahe niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN