Sandra Lemonon overwhelmed by public's response to her Bb. Pilipinas moment

IMAGE Photo grab from ABS-CBN

Binibining Pilipinas 2018 finalist Sandra Lemonon breaks her silence after slip up at the national pageant's Q&A portion.


Hindi inasahan ni Sandra Lemonon na magiging positibo ang reaksiyon ng publiko pagkatapos ng kanyang naging sagot sa question-and-answer portion ng Binibining Pilipinas 2018.

Nang tanungin tungkol sa "Build, Build, Build" program ng kasalukuyang pamahalaan, nagpakatotoo si Sandra at sinabing wala siyang alam tungkol dito.


Stories We Are Tracking

Why Bb. Pilipinas contestant Sandra Lemonon is a winner
Why Bb. Pilipinas contestant Sandra Lemonon is a winner
Sandra Lemonon vows to join Binibining Pilipinas again
Sandra Lemonon vows to join Binibining Pilipinas again

Sa panayam sa kanya ng ABS-CBN entertainment reporter na si Mario Dumaual, sinabi ng Filipino-French beauty ang saloobin sa magandang pagtanggap sa kanya ng publiko.

Saad ni Sandra, “I was terrified, I really thought that I was not gonna be at all appreciated and loved for what I did that night.

“I was really, really scared for being honest, but I’m so happy…

"Thank you so much for supporting me and to send me all your messages and taking your time to talk to me, it really, really, really means a lot to me."

BFFs. Samantala, nagbigay naman ng shoutout si Miss Universe-Philippines 2018 Catriona Gray kay Sandra via Instagram.

Sa kanyang post noong Lunes ng gabi, March 19, nagpasalamat si Catriona sa lahat ng tumulong sa kanya sa kanyang pagkapanalo.

Dagdag niya, “Special shout out to my sister @sandralemonon who kept me sane throughout.”

Lingid sa kaalaman ng marami, sina Catriona at Sandra ay best friends sa totoong buhay.

Mapapansin ito sa mga post ng magkaibigan sa social media.

Nang hindi masagot ni Sandra ang tanong sa Q&A ng Binibining Pilipinas 2018, mapapanood na si Catriona ang una nitong nilapitan at kaagad silang naghawak ng kamay.

Batchmates din sina Catriona at Sandra sa Miss World Philippines 2016 pageant, kung saan si Catriona ang nakakuha ng korona habang si Sandra naman ay 4th runner-up.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN