Alden Richards reacts to Juancho Trivino's "dirty finger" video

IMAGE Noel Orsal

Alden Richards (right) on Juancho Trivino's (left) video where the latter allegedly flashed a dirty finger at his photo: "Parang when I saw it, siyempre, 'Bakit ganun?' Pero all of a sudden, nawala rin naman po. Kumbaga, just pray for it, and then hayaan ko na lang po na mawala ang issue."


Ikinagulat ni Alden Richards nang mapanood ang viral video ng kapwa Kapuso actor na si Juancho Trivino.

Sa nasabing video, nag-dirty finger si Juancho matapos mai-focus ang camera sa larawan ng Pambansang Bae para sa iniendorso nitong watch brand.

Ikinagalit ng mga tagahanga ni Alden ang inasal ni Juancho, kaya naman inulan ng batikos ang social media account nito.

Naglabas na ng official statement si Juancho tungkol sa insidente.

Humingi siya ng paumanhin kay Alden at sa lahat ng nasaktan dahil sa naturang video.


Stories We Are Tracking

Did Juancho Trivino flash dirty finger at Alden Richards?
Did Juancho Trivino flash dirty finger at Alden Richards?

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Alden sa press launch ng bago niyang iniendorsong produkto, ang Cookie’s Peanut Butter, sa Historia Bar & Restaurant sa Sgt. Esguerra, Quezon City, ngayong Martes ng hapon, March 20.

Dito ay kinuha ang reaksiyon niya sa video ni Juancho.

Pahayag ni Alden, “Nagulat po ako, siyempre nakita ko po ang video. Parang, ‘Bakit mo ginanun?’

"Pero later on naman po, parang...

"Hindi po kasi ako mahilig magpalaki ng mga bagay na hindi naman kailangan palakihin at hindi kailangan pagtaniman ng sama ng loob.

“Parang when I saw it, siyempre, 'Bakit ganun?'

"Pero all of a sudden, nawala rin naman po.

"Kumbaga, just pray for it, and then hayaan ko na lang po na mawala ang issue.”

Pero diin niya, “Hindi rin naman po kasi big deal.”

Sa mensahe ni Juancho ay sinabi nitong hindi para kay Alden ang pagdi-dirty finger niya.

Ano ang reaksiyon dito ni Alden?

Saad ng Eat Bulaga! at Sunday Pinasaya star, “Siguro po sa social media post, kung anuman po ang nakasulat dun, let's respect that.

"Respetuhin na lang po natin ang statement niya.

"And I don’t wanna elaborate naman po."

Nakatanggap din daw ng text message si Alden mula kay Juancho bago ito naglabas ng public apology.

Ayon pa kay Alden, “Wala na po yun and, on my end, wala pong problema.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Payag ba siyang makatrabahong muli si Juancho?

Positibong sagot ng Pambansang Bae, "Of course naman po."

Bago sila pumasok sa showbiz ay naging magkaklase sina Alden at Juancho noong college sa De La Salle-Canlubang, sa Laguna.

Naging magkatrabaho rin sila sa ilang Kapuso projects, kabilang na ang prime time series na Destined To Be Yours noong 2017.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN