Sharon Cuneta meets President Duterte at private dinner; skips daughter KC's jewelry line launch

IMAGE Facebook photo of Bong Go

Sharon Cuneta assures that dinner with President Duterte was not an issue with her husband, Sen. Kiko Pangilinan. The Megastar says, "Di naman personal ang di nila pagkakasundo sa pulitika, sabi nga ni Tatay Digong kanina eh, they respect each other even if they disagree on certain things."


Labis ang saya ni Sharon Cuneta para sa nakatatandang kapatid na si Chet Cuneta dahil nakita na nito nang personal ang idolong si Presidente Rodrigo Duterte.

Sa pamamagitan ng Instagram, ipinasilip ng Megastar ang mga kaganapan sa private dinner kasama ang Pangulo ng Pilipinas nitong Martes, March 20.

Ayon kay Sharon, iniidolo ng kanyang kapatid si Pangulong Duterte kaya isang napakahalagang pagkakataon ang okasyon kagabi.

“My beloved only brother with the exact same DNA as mine, Chet, @chetdc9 finally met his idol and hero tonight.

“My Daddy was a good friend of the President’s.

“Kuya and I always find ways to make each other happy.

“Tonight, I was not only happy and honored to have dinner with Pres. Duterte, but also to make my Kuya the happiest I’ve ever been able to make him.

“Hope you’re happy, Daddy! I love you so much, Kuya ko.

“And thank you, Mr. President. We pray that God’s hand be upon you so that you may steer our country where He knows it will be best! May God bless you, sir. (Miss you, Mayor Inday!)(Thanks so much for everything, @bernsrpBerna! Luv u!)”

CONFLICTING PARTIES. May ilang nagulat sa post na ito ni Sharon, na misis ni Senator Kiko Pangilinan.

Si Pangilinan ang kasalukuyang presidente ng Liberal Party, ang katunggaling partido ni Pangulong Duterte na Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban).

Pero sa sumunod na Instagram post ni Sharon, nilinaw niyang walang problema kay Kiko ang pakikipagkita nilang magkapatid kay Pangulong Duterte

Sa katunayan, magiliw pang nagkuwento si Sharon kay Kiko tungkol sa mga nangyari sa kanilang private dinner kasama si Pangulong Duterte.

“He’s so chill and happy that kuya and I are happy!

“Di naman personal ang di nila pagkakasundo sa pulitika, sabi nga ni Tatay Digong kanina eh - they respect each other even if they disagree on certain things.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Well - that’s why it’s nice that we live in a free country.

“Politics? Temporary. My Dad was the President’s good friend? Hey - deal closed!

“Blessed to have a hubby like my dork.”

ABSENT AT KC'S AVEC MOI LAUNCH. Samantala, binigyang linaw rin ni Sharon ang hindi niya pagdalo sa launch ng jewelry line ng kanyang panganay na si KC Concepcion, na naganap din kagabi kasabay ng private dinner nila kasama si Pangulong Duterte.

Isang netizen ang nagtanong kay Sharon tungkol dito.

Base sagot niya, tila nakapag-usap naman silang mag-ina tungkol sa conflict ng schedule.


Bagamat hindi nakadalo sa naturang event, nagbigay naman ng mensahe si Sharon kay KC sa pamamagitan din ng Instagram post.

Sabi ni Sharon, “Congrats, my dearest panganay! I am so proud of you and am happy that people now have a chance to see this side of you - your other artistic talent! I love you. Very much. No one could be prouder!!! @itskcconcepcion”

Nag-post din si Sharon ng kanyang biniling jewelry mula sa bagong business ni KC.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN