Jerome Ponce, Loisa Andalio reveal how they overcome awkwardness with exes

IMAGE Noel Orsal

Jerome Ponce (third from left) says he doesn't let his past relationship with Elisse Joson (fourth from left) affect their output at work. While Loisa Andalio (second from left) relates how her working relationship with Joshua Garcia (leftmost) has become more comfortable compared to the first few taping days of ABS-CBN's prime time series, The Good Son.


Nag-asaran sina Jerome Ponce at Loisa Andalio tungkol sa pakikipagtrabaho nila sa kanilang respective exes na sina Elisse Joson at Joshua Garcia.

Silang apat ay bahagi ng ABS-CBN prime time series na The Good Son.

Tanong ni Loisa kay Jerome, “So, nag-uusap na nga kayo ngayon?”

“Oo naman!” sagot ni Jerome patungkol sa maayos na relasyon nila ng ex-girlfriend niyang si Elisse.

Nang tanungin naman si Loisa kung nag-uusap na sila ni Joshua, natatawang hirit ni Jerome para kay Loisa, “Stressed nga daw!”

Nabanggit kasi ni Loisa na “stressed” na sila sa trabaho kaya ayaw na niyang isipin pa ang stress sa anumang personal na isyu.

Sabay na nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Loisa at Joshua sa presscon para sa nalalapit na pagtatapos ng The Good Son.

Ginanap ang presscon sa Tivoli Royal Clubhouse sa Quezon City noong Lunes, March 19.

Sa unang presscon ng The Good Son noong September 14, 2017, kapansin-pansing hindi nagpapansinan at tila naiilang sa isa’t isa sina Joshua at Loisa.


Stories We Are Tracking

Joshua Garcia on Loisa Andalio:
Joshua Garcia on Loisa Andalio: "Wala kaming problema."
Loisa Andalio has no problem working with Joshua Garcia
Loisa Andalio has no problem working with Joshua Garcia

CAMARADERIE ON THE SET. Dating malapit na magkaibigan sina Joshua at Loisa nang sabay silang sumali sa Pinoy Big Brother: All In noong 2014.

Napabalita ring naging lihim silang magkarelasyon, pero natuldukan din sa hindi malamang dahilan.

Nagkakailangan pa rin ba sila ni Joshua ngayon?

Sagot ni Loisa, “Okey naman kami.

“Ang tagal na naming nagte-taping, kami-kami magkakaeksena.

"Kaming mga bagets laging magkaeksena, so mas naging kumportable."

Singit ni Jerome, “Talaga ba?”

Paliwanag ulit ni Loisa, “Hindi na yung ‘A.... A… Throw lines?’ Ngayon, ‘Tara, throw lines tayo!’ Ganun na.

“Kinakalimutan yung mga nararamdaman, mas in character, kung anong hinihingi ng eksena.”

Magka-love triangle sa The Good Son ang mga karakter na ginagampanan nina Joshua, Loisa, at Jerome.

Magka-love triangle din sina Jerome, Elisse, at McCoy de Leon sa serye.

NOTHING PERSONAL. Sa kaso ni Jerome at ex-girlfriend niyang si Elisse, propesyunal daw sila pagdating sa trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ani Jerome, “Katulad naman ng sabi ko nung una, talagang trabaho ‘to, e. Ibinigay, e.

“Huwag nating sayangin dahil lang sa bagay na makakasira sa show. Dun ako magpo-focus.”

Ano ba ang feeling na katrabaho mo ang ex mo?

Sagot ni Jerome, “Well, siguro sa akin, hindi sa dahil lulunukin ko na lang o ano…

“Si Enzo ‘to, hindi si Jerome. Wala akong dapat ilabas o ramdamin.

"Si Enzo ‘to, kailangan bilang character.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN