Bea Alonzo unfollows Gerald Anderson, Pia Wurtzbach on Instagram

IMAGE Instagram / Mark Atienza

Fans are wondering why Bea Alonzo has suddenly unfollowed Gerald Anderson and Pia Wurtzbach on Instagram.


Bakit in-unfollow ni Bea Alonzo ang rumored boyfriend na si Gerald Anderson sa Instagram?

Ito ang ipinagtataka at ikinalulungkot ng fans ng reported real-life couple at prime artists ng ABS-CBN.

Nagsimula ang ganitong thread sa comments section ng pinakahuling IG posts nina Bea at Gerald.

Maging si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ay in-unfollow din umano ni Bea, ayon sa comments ng fans.

Sina Gerald at Pia ay magkatambal sa kasalukuyang ipinapalabas na pelikulang My Perfect You.

Sa pagkakaalam ng marami, karelasyon ng beauty queen ang car racer na si Marlon Stockinger.

Sinuri ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang followings ni Bea sa Instagram.

Hindi na nga siya naka-follow kina Gerald at Pia.

Samantala, naka-follow pa rin si Gerald kina Bea at Pia.

Ito ang sa Instagram ni Gerald:


Naka-follow naman ang Miss Universe 2015 kina Bea at Gerald sa kanyang Instagram.

Ito ang sa Instagram ni Pia:


NETIZENS' COMMENTS. Ipinagtataka rin ng fans ang pagbura ni Bea sa kanyang IG account ng poster ng pelikula nina Gerald at Pia.

Tanong ng fans kina Bea at Gerald: May away ba sila?

May mga tagasuporta rin ang dalawa na nagkomentong nalulungkot sila sa nangyari.

Umaasa naman ang ibang fans na magkaayos sina Bea at Gerald, kung sakaling may pinagdadaanan nga sila sa kanilang relasyon.

Narito ang comments ng mga netizens na nagtatanong sa pag-unfollow ni Bea kina Gerald at Pia at sa pagbura ng aktres sa promotion ng pelikula ng dalawa. 





GERALD ON RELATIONSHIP WITH BEA. Sa bloggers conference ng My Perfect You noong March 15, sinagot pa ni Gerald ang mga tanong tungkol sa napapabalitang relasyon nila ni Bea.

Tinanong ng PEP.ph kung paano sila nagkakaroon ng oras sa kabila ng kanilang busy schedule.

“Siyempre, mahirap. Pero laging may paraan,” tugon ng 27-anyos na aktor.

Sundot pang tanong kay Gerald: Ano ang pakiramdam na masuwerte siya sa career at sa pag-ibig?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sobrang blessed siguro. At the end of the day, grateful. Yun yung secret, e.

“People ask me, 'What's your secret?' Just be grateful kung anuman opportunities na ibinibigay sa 'yo,” sagot ni Gerald.

Nakipag-ugnayan ang PEP.ph sa sa kampo nina Bea at Gerald sa pamamagitan ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN, upang hingin ang kanilang reaksiyon sa isyu ng pag unfollow ni Bea kina Gerald at Pia.

Sa kasalukuyan ay wala pa silang pinapadalang kasagutan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN