Bea Alonzo's hair stylist alludes to "malalandi at babaero" in cryptic IG post

IMAGE Instagram @bealaonzo Instagram

Ang hair stylist ni Bea Alonzo, na may handle name sa Instagram na @ayuhamasaki, ay nagbahagi ng matalinhagang quote card na nagsasabing: "Bakit hindi na lang magkatuluyan ang mga TAPAT AT SERYOSO at hayaang maglokohan ang MALALANDI at BABAERO."


Usap-usapan sa social media ang pag-unfollow sa Instagram ni Bea Alonzo sa boyfriend niyang si Gerald Anderson at pati na rin sa My Perfect You leading lady ng aktor na si Pia Wurtzbach.

Kaugnay nito, marami sa mga tagasuporta ng real-life couple ang nagtatanong kung nagkaroon ba ng hindi pagkakaintindihan ang dalawa.

Hindi pa malinaw ang dahilan kung sadyang in-unfollow ni Bea si Gerald, o nagkaroon lamang ng kung anumang problema sa Instagram ng dalaga.


Stories We Are Tracking

Bea Alonzo unfollows Gerald and Pia on Instagram
Bea Alonzo unfollows Gerald and Pia on Instagram

Ngunit kasabay ng isyu, kapansin-pansin na dalawa sa madalas katrabaho ng aktres ang naghayag ng matalinhagang posts sa Instagram.

Una na rito ang hair stylist ni Bea, na may handle name sa Instagram na @ayuhamasaki.

Kahapon, March 21, nagbahagi ang hair stylist ng quote card na nagsasabing:

“Bakit hindi na lang magkatuluyan ang mga TAPAT AT SERYOSO at hayaang maglokohan ang MALALANDI at BABAERO.”

Ang personal assistant ni Bea, may handle name sa Instagram na @bearose_19, ay naghayag ng tila pagkainis sa hindi tinukoy na isyu o personalidad.

Bukod sa fisted hand emojis ay may text ito na may mga katagang, "What on my mind???? Ambot!!"

Ang "ambot" ay salitang Bisaya na ang ibig sabihin ay "I do not know."


Ngunit at press time ay burado na ito sa Instagram account ni Rose.

DELETED POSTS ON BEA'S IG? Kahapon, March 21, nauna nang naiulat na marami sa mga tagasuporta ni Bea ang nakapansing burado na sa Instagram ng dalaga ang iilang larawan kung saan makikitang magkasama sila ni Gerald.

Burado na rin ang ibinahagi ni Bea na poster ng My Perfect You, ang pelikulang pinagbibidahan nina Gerald at Pia na kasalukuyang ipinapalabas sa mga sinehan.

Bukod dito, burado na ang throwback photo ni Bea kasama si Pia, na kuha noong panahong nagkasama sila sa ABS-CBN teen-oriented series na K2BU.


Sa kabilang banda, kamakailan lang ay naghayag si Gerald na malaki ang pasasalamat niya dahil maituturing na nasa punto siya ng kanyang buhay na lucky in love and lucky in career.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nabanggit din ng aktor na mayroon pa rin silang oras para sa isa’t isa ni Bea, sa kabila ng pagiging abala nila sa kani-kanilang trabaho ngayon.

Base ito sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters kay Gerald sa digital conference ng My Perfect You, na ginanap sa Omotenashi Japanese restaurant, noong March 15.

GERALD ON WORKING WITH PIA. Sa parte ng pakikipagtrabaho niya kay Pia, ibinahagi ni Gerald na sa totoo lang ay hindi raw sila agad nagkaroon ng on-screen chemistry ng former Miss Universe.

"Wala kaming chemistry sabi ni Direk," pag-amin ni Gerald.

Ang tinutukoy ni Gerald ay ang prangkang usapan nila ni Pia at ng direktor ng pelikula na si Cathy Garcia-Molina, noong nagsu-shooting sila sa Zambales.

Naging propesyunal daw sila ni Pia pagdating sa pag-atake ng kanilang kissing scenes.

Dagdag ni Gerald, "Ang goal ng isang actor ay maramdaman na wala dun yung mga camera.

"There's one scene dun sa tulay and there's one scene yung isang drone shot na nasa gitna sila ng batuhan, I really felt na si Abi yung kini-kiss ko."

So, nalampasan nila ni Pia yung ilangan?

Sagot ni Gerald, "Oh yeah, si Pia kasi sobrang kumportableng kasama siya, e. Hindi mahirap."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN