Director Cathy Garcia-Molina in hot water over comments about JaDine

IMAGE Rachelle Siazon (left)/Nerisa Almo (right)

Director Cathy Garcia-Molina stands by her statement about James Reid and Nadine Lustre despite being criticized by JaDine fans. "Wala namang masama sa sinabi ko? It was an honest question and an honest reply," she says.


Hindi inakala ng direktor na si Cathy Garcia-Molina na magiging isyu ang pagsagot niya sa isang fan ng celebrity couple na sina James Reid at Nadine Lustre.

Sa pamamagitan ng Twitter kahapon, March 21, nag-tweet ang isang JaDine fan—gamit ang username na @Pumpkin021116—sa kilalang direktor para alamin kung may posibilidad na makatrabaho nito ang mga iniidolong artista.

Ito ay bago magretiro si Cathy mula sa pagdidirek.

Nabura na ang Twitter post na ito ng JaDine fan.

Ngunit base sa sagot ni Direk Cathy, tila may kaugnayan ito sa posibilidad na makatrabaho niya sina James at Nadine.

“Iha talaga ba? Iba kasi ang naririnig ko galing mismo k direk Dan V at direk Tonet. Sorry,” sabi ng box-office director.

Balik na tanong ng JaDine fan kay Direk Cathy, “May i know po kung ano ang narinig mo kay Direk T&D from JD? Mas maganda po yong makatrabaho mismo kesa sa maniwala sa sabi2x lng.”

Sagot ng My Perfect You director, “I think direk tonet has been very vocal about it in social media.”

JADAONE'S BLOG POST. Noong January 2018 ay inihayag ni Antoinette Jadaone sa isang blog post ang tungkol sa pagkaantala ng shooting ng pelikula niyang Never Not Love You, na pinagbibidahan nina James at Nadine.

Sabi ni Direk Tonet, “Filming for #foolishmovie is becoming erratic. Sayang, andun na ang momentum eh.

“More and more shooting days cancelled – some reasons more heartbreaking than others, so heartbreaking they make me cry.

"Or maybe I am just being overly dramatic, or that’s just really how I value pelikula.”

Hindi tinukoy ni Direk Tonet ang dahilan ng pagkaka-delay ng shoot ng kanilang pelikula sa kanyang blog post.

Pero kinalaunan ay umamin si Nadine na ang kanyang pagkakasakit ang dahilan ng delay ng shooting.

Si Tonet din ang nagdirek ng mga nakaraang teleserye ng JaDine: ang On The Wings of Love (2015-2016) at Till I Met You (2016-2017).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Stories We Are Tracking

Did James Reid and Nadine Lustre cause movie shoot pack-up?
Did James Reid and Nadine Lustre cause movie shoot pack-up?
Nadine reveals her health problems caused movie shoot delay
Nadine reveals her health problems caused movie shoot delay

TSISMIS OR NOT? Sa mga sumunod na sagot ni Direk Cathy sa JaDine fan, nanindigan siyang hindi lang tsismis ang basehan ng kanyang unang sagot.

Aniya, “Pero tama ka naman na hindi dapat maniwala sa sabi sabi.

“Nagkataon lang na malapit kong kaibigan sila tonet at lalo na si Dan.

"Kaya hindi tsismis ang nakarating sa akin."

Binanggit din ni Direk Cathy na nakatrabaho na niya si James sa dating afternoon drama ng ABS-CBN na Precious Hearts Romances Presents: Pintada (2012).

Kasunod nito ay hiniling ni Direk Cathy na makausap ang naturang fan sa pamamagitan ng private chat.

Para pabulaanan ang anumang narinig ni Direk Cathy tungkol kina James at Nadine, tinanong siya ng JaDine fan, “Kung totoo nga yang tsismis bakit kinuha pa rin ni direk tonet ang JD from OTWOL to TIMY to NNLY? So anong ibig sabihin ng narinig mo?”

Sagot ni Direk Cathy, "Tama ka naman iha. Iba talaga pag nakatrabaho mo na. I will agree with you on that."

Pagkatapos ay paiwas nang sumagot ang kilalang direktor.

“Naku, ayaw ko na nga magsalita. Siguro si direk tonet na lang po at direk Dan ang inyong tanungin. Para hindi tsismosa ang dating ko.”

Sabi pa ng direktor, “Sorry iha kung na-offend kita. No offense meant.

“I just felt you were sincere and honest with your question that it deserved an honest answer from me too.”

MORE FANS TRIGGERED. Mas maraming JaDine fans ang nadismaya kay Direk Cathy dahil sa naging sagot niya tungkol kina James at Nadine.

Isa sa mga sinagot ng direktor si @AnneTok3 na nagsabing “nanggugulo si Direk Cathy.”

Sabi pa nito sa kanyang Twitter reply, “Tama lang na maretire ka! Iba din narining namin sa ugali nyo at yun napatunayan namin ngayon na hayop nga talaga ugali. Confirmed!”

Sagot naman ni Direk Cathy, “Huh?? Anong hayop dun sa sinabi ko?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I did not mention anything.

“I'm sorry. Kaya ka lang nagagalit kasi madaming mag-react from other camps.

"Wala namang masama sa sinabi ko? It was an honest question and an honest reply.”

Sinabihan naman ng Twitter user na si @anongpakimo2806 na "papeymus" o "pa-famous" si Direk Cathy.

“Saka pa humiling ng private chat nung broadcasted na, papeymus amp! Well kung totoo man po ang sinabi sau ni direk @tonetjadaone e di wow”

Humingi naman ng paumanhin ang direktor.

“Sorry sorry. Late ko talaga na realize nung may ibang nag react na. Sorry talaga.”

Samantala, isang fan ang nag-reply sa naunang sagot ni Direk Cathy.

Naka-tag dito ang magkasintahang direktor na sina Antoinette Jadaone at Dan Villegas.

Kaugnay nito, humingi rin ng paumanhin si Direk Cathy sa mga kapwa niya direktor dahil sa pagkakadawit nila sa isyu.

Aniya, “I’m so sorry Dan and Tonet. Nakalimutan kong posibleng lumaki to.

“No ill intentions whatsoever. I’m so sorry nakalimutan ko na Maraming nakalabasa nito.

“May nag react Ng iba before I realized my booboo. Sorry again.

Walang direktang sagot dito sina Direk Dan at Direk Tonet.

Ngunit tila mensahe para sa fans ang post ni Direk Dan sa kanyang Twitter post:

“Guys. Tapos na yung issue na to matagal na. Kalma, lapit na lumabas yung peliks. Sayang energy sa bv.”

Nagpadala na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng mensahe sa Viva Entertainment, na siyang namamahala sa career nina James at Nadine, upang kunin ang kanilang panig tungkol sa isyu.

Hinihintay pa namin hanggang ngayon ang kanilang sagot.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN