Meg Imperial on Roxanne Barcelo: "Okay naman. We're civil naman."

IMAGE Arniel Serato

Ayon kay Meg Imperial, marahil ay miscommunication lamang ang isyung namagitan sa kanila ni Roxanne Barcelo. 


Marami ang nag-aabang kung ano ang mangyari sa set ng bagong pelikula ng Viva Entertainment na Abay Babes.

Ito ay dahil kasama sa cast ang dalawang female stars na nagkaroon diumano ng tensiyon noon—sina Roxanne Barcelo at Meg Imperial.

Sa isang panayam kay Roxanne ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong August 2017, naikuwento niyang mayroong isang younger actress na tila binu-bully siya noon.

Diumano, sinabihan siyang hindi magaling na artista ng nasabing younger actress.

Sabi ni Roxanne, “Actually, hindi ko talaga maintindihan.

“Unang kita pa lang namin, ang eksena namin, sabi niya sa akin, ‘Hindi ka magaling na artista.’

“Kapapasok at kauupo ko pa lang noon sa dressing room.

“Sabi ko, okey, kung yun ang opinyon niya, e, di go!

“Hindi ko na pinalaki kasi hindi kailangan.

Nais daw sana niya itong isumbong sa Viva, na namamahala sa kanyang career, ngunit pinili niyang huwag na lang itong palakihin.


Stories We Are Tracking

Roxanne Barcelo reveals being bullied by a younger actress
Roxanne Barcelo reveals being bullied by a younger actress

IS ROXANNE REFERRING TO MEG? Ayon sa ilang sources ng PEP.ph, ang tinutukoy raw ni Roxanne na younger actress ay ang kapwa Viva artist nitong si Meg Imperial.

Nakatakdang magsama ang dalawa sa pelikulang Abay Babes, na ang principal photography ay kukunan sa Bicol.

Bukod kina Roxanne at Meg, kasama rin sa pelikula sina Nathalie Hart, Kylie Vesoza, at Cristine Reyes.

Mula ito sa direksiyon ni Don Cuaresma. 


Sa story conference ng pelikula sa Viva office, sa Ortigas, Pasig City, kahapon, March 21, inusisa ng PEP.ph si Meg kung kumusta ang pakikitungo nila ni Roxanne sa isa't isa.

Sagot niya, “Okay naman. We’re civil naman.

“I don’t know anything about from the past or whatever that is. Or maybe just a miscommunication.”

Hindi na namin nagawang mag-follow-up question dahil nagssimula na ang storycon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN