Joshua Garcia brushes off alleged private messages with female fan

IMAGE Noel Orsal

Joshua Garcia admits he was hurt by the recent issue alleging he privately messaged a female netizen. But the young actor chose to focus on his work instead. He told PEP.ph, "Nainis, na-hurt? Para sa akin, yes, pero wala na yun, tapos na yun."


Naalarma ang JoshLia fans ng tambalang Joshua Garcia at Julia Barretto sa paglabas ng screenshots sa social media ng diumano’y pakikipag-usap ng young actor sa isang female fan na may user name na @danerhea.

Dahil dito ay inulan ng pambabatikos si Joshua mula sa netizens at kinukuwestiyon ang loyalty niyakay Julia.

Ayon kay Joshua, hangga't maaari ay ayaw na niyang bigyang pansin ang mga isyu at nais na lamang niyang pagtuunan ng pansin ang kanyang trabaho.

Aniya, “Sobrang dami nang nangyayari sa social media ngayon, kaya focus na lang ako sa trabaho.

“Nagpapasalamat ako sa lahat ng sumusuporta sa akin sa lahat ng ginagawa ko.”

Pero aminado si Joshua na naapektuhan siya nang bahagya sa nangyari.

“Nainis, na-hurt? Para sa akin, yes, pero wala na yun, tapos na yun.”

Nakapag-usap na ba sila ni Julia tungkol sa isyu? 

Pag-iwas ng binatang aktor, “Parang hindi ko na kailangang sabihin kasi parang personal na namin yun.

“Sa trabaho ako naka-focus kaysa sa mga negative.

“Kasi, di ba, mas magandang nagpo-focus ka sa positive kaysa sa negative?”

May ilang fans naman ang nakapansing muli nang pina-follow nina Joshua at Julia ang isa't isa sa Instagram.

Bilang isang artista, tanggap naman ni Joshua na bahagi na talaga ng buhay nila ang mga intriga at isyu.

“Oo, parte na yun, e, kailangan mong tanggapin,” sambit niya.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Joshua sa set visit ng ABS-CBN prime time series na The Good Son, sa Tivoli Royale Clubhouse, Quezon City. noong March 19.

THE GOOD SON. Ayon kay Joshua, marami pang dapat abangan sa kanilang teleseryeng kahit malapit na itong matapos.

“Sa tingin kasi nila parang pinahahaba namin yung show, pero hindi.

“Magugulat kayo kasi kada episode na ipinapalabas, may tinatanim diyan.

“Konektado lahat yun, so lahat ng nangyayari, babalikan yun sa huli.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN