Nathalie Hart on criticisms hurled against her: "Wala akong pakialam."

IMAGE Arniel Serato

Nathalie Hart: "Yung pagiging prangka ko naman, it doesn't mean na magugustuhan ako ng lahat ng tao, e... Pero napakita ko rin naman na may talent din naman talaga ako. Like, sa hindi naman ako sa nagyayabang, hindi lang naman pagpapa-sexy ang kaya kong gawin."


Unti-unti nang napapansin si Nathalie Hart sa mundo ng showbiz.

Kabi-kabila na ang kanyang mga proyekto ngayon sa pelikula at telebisyon.

Ito ba ay sa dahilang sobrang prangka niya sa kanyang interviews at pagiging honest sumagot?

Saad ni Nathalie, “Hindi naman po.

"Yung pagiging prangka ko naman, it doesn’t mean na magugustuhan ako ng lahat ng tao, e.

"Like, it’s either love me or hate me, parang ganun yung sa akin.

“Pero napakita ko rin naman na may talent din naman talaga ako.

"Like, sa hindi naman ako sa nagyayabang, hindi lang naman pagpapa-sexy ang kaya kong gawin.”

Dahil sa sexy-oriented films na kanyang pinagbidahan, may mga nagsasabi ng hindi magandang salita laban sa kanya.

Reaksiyon ni Nathalie, “Wala akong pakialam. Nagtatrabaho lang ako.

"At the end of the day, I’m still doing a proper job, it’s still work.

"And kung ano man ang sabihin ng tao, wala kong pakialam.”

Ekslusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Nathalie sa story conference ng bagong pelikula ng Viva Entertainment, ang Abay Babes, kahapon, March 21.

FROM PRINCESS TO NATHALIE. Sa tingin ba niya ay nakatulong sa kanyang karera ang pagpalit ng screen name mula Princess Snell to Nathalie Hart?

Tugon ng StarStruck alumna, “Di ko alam… siguro at the end of the day, siguro nakatulong yun.

"Di ko rin alam kahit hindi naman siguro napalitan yung pangalan ko, I don’t really know, siguro natulungan ako

“Paano ako natulungan kung back to zero ako?

"Like, for example, when I was that person last time, Princess [Snell], ang dami ko na ginawa.

“'Tapos, nung naging Nathalie ako, I went back to zero.

"So, from may kinikita na ako ng pera to zero to walang-wala na talaga akong pera nun, literally, I have to build myself."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN