Patricia Tumulak speaks up about leaving Eat Bulaga!

IMAGE Instagram photo of Kapuso PR Girl

Patricia Tumulak on leaving Eat Bulaga: "Personal naman din siya, but I'm happy with the result. Yung mga Dabarkads, supportive sa akin."


Itinuturing ni Patricia Tumulak na isang normal na pagbabago sa buhay ang kanyang pagkawala sa Eat Bulaga!, ang daily noontime show ng TAPE Inc. na umeere sa GMA Network.

Pagkatapos ng ilang buwang hindi napapanood sa telebisyon, nagbabalik ang dating HBD Girl ng Eat Bulaga! bilang isa sa mga bagong talent ng GMA Artist Center, ang talent management ng Kapuso network.

Sa panayam sa kanya ng gmanetwork.com ngayong Huwebes, March 22, nagsalita si Patricia tungkol sa pag-alis niya sa longest-running noontime show.

Aniya, “For me, timing is everything and change is good.

"Personal naman din siya, but I’m happy with the result, yung mga Dabarkads supportive sa akin."

Aminado si Patricia na nami-miss din niya ang nakagawian sa Eat Bulaga.

Sabi ng 30-year-old Kapuso artist, “Siyempre nami-miss ko sila.

"Iba ang live, e, iba yung energy na nakakatawa. And, nag-uusap naman kami.

“So for me, kailangan din, change is inevitable and everything is temporary.

"So as long as it’s for the better, then go.”"

Samantala, ngayong exclusive talent na siya ng GMA Network, handa na raw humarap si Patricia sa mas matitinding hamon sa trabaho.

Sabi niya, "Challenge accepted, I'm up for challenges.

"And since hosting ako back then, siguro try natin different ano, more on acting.

“But there's always a room for improvement. I still need to enhance or hone my acting skills.”

Meet the new GMA Artist Center star: Patricia Tumulak! ?

A post shared by Kapuso PR Girl (@kapusoprgirl) on

Kabilang din sa mga bagong talent ng GMA Artist Center ang Kambal Karibal actress na si Kyline Alcantara, TOTGA stars Shaira Mae dela Cruz at Kelly Day, at comedian Donita Nose.


Stories We Are Tracking

Patricia Tumulak on Alden Richards:
Patricia Tumulak on Alden Richards: "Hindi ko siya type!"
Patricia Tumulak prefers non-showbiz, foreigner boyfriend
Patricia Tumulak prefers non-showbiz, foreigner boyfriend
Patricia Tumulak avoids Alden Richards to silence bashers
Patricia Tumulak avoids Alden Richards to silence bashers


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN