Marco Alcaraz still allows wife Precious Lara Quigaman to work despite being pregnant

IMAGE Arniel Serato

Kahit labing-isang buwang buntis ang asawang si Precious Lara Quigaman, papayagan pa rin daw siya ni Marco Alcaraz na magtrabaho.


"Made in Canada."

Ganito inilarawan ni Marco Alcaraz ang ipinagbubuntis ng asawang si Precious Lara Quigaman.

Posibleng nabuo raw ang bata noong nagbakasyon silang mag-asawa sa Canada.

Abala ngayon si Lara sa teleserye ng ABS-CBN na Bagani.

Papayagan pa ba niya itong magtrabaho?

Sabi ni Marco, “Hanggang kaya po.

"Tsaka ano rin, na-miss din niyang mag teleserye, kasi matagal din siyang nabakante.

"Tsaka happy siya, kasi part ng magandang production, magandang show."

Dagdag pa ng Kapuso actor, “Ang pinakamaselan lang naman, yung first trimester ng pagbubuntis, hanggang kaya.

"Next week, twelve weeks na siya, so safe na lahat."

Pinayuhan daw sila ng doktor na mag-bedrest si Lara dahil may kaunting dugo na nakita sa kanyang ovary.

Pero kailangan daw tuparin ng asawa ang kontratang napirmahan.

Paliwanag pa ni Marco, “Nung nalamang buntis siya, may kaunting hemorrhage.

"So, kailangan bed rest.

“Siyempre hindi rin siya makatanggi sa work, may taping.

"Binigyan na lang siya ng pangpakapit, so okay pa naman."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Marco sa National Breakfast Day event sa McDonalds Madison, Greenhills, San Juan City, noong Lunes, March 19.

SECOND BABY. Ang ipinagbubuntis ni Lara ang magiging pangalawang anak nila ni Marco.

Ang panganay nilang si Noah ay limang taong gulang na.

Bakit tila natagalan bago nasundan ang kanilang panganay?

Sabi ni Marco, “Timing lang talaga kung kailan ibinigay ni Lord, yun lang.

“Eleven weeks na. Five years old yung panganay, reading-ready na maging kuya.

“Timing, medyo… ako actually, talaga gusto ko medyo malaki yung gap.

“Si Lara, dati pa lang gusto niya magkasunod.

"Kaso ngayon lang ibinigay, so okay lang naman kami."

Ano ba ang gusto niyang maging gender ng kanilang second baby?

Tugon ni Marco, “Well, kung may choice, babae.

"Kasi yung anak nga naming si Noah, may pangalan na nga, e.

“Gusto niya Yes, kasi si Noah, puro siya no, no, no.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Para naman ito, yes lang nang yes.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN