KC Concepcion on breakup with Aly Borromeo: "I am very happy where we are right now."

IMAGE FM Ganal

KC Concepcion on ex-boyfriend Aly Borromeo: "It's important for me na mabigyan ng importansiya yung taong yun, only because naging part siya ng life ko."


Sa unang pagkakataon ay direkta nang inamin ni KC Concepcion na break na sila ng dating Azkals player na si Aly Borromeo.

Marami kasi ang nalito dahil sa magkaibang pahayag nina KC at Aly sa kani-kanilang interviews bago lumabas ang balita tungkol sa breakup nila.

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Aly sa isang event noong March 1 ay sinabi niyang “okay” at “very close” pa rin sila ni KC.

Sinabi rin ng football player na hindi pa nila napag-uusapan ang kasal.

Pero sa panayam ni KC kay Marie Lozano ng ABS-CBN News noong March 8, tila nagpahaging siyang tapos na ang relasyon nila.

Mas lalo itong nalinawan nang mag-post ang actress-TV host ng mensahe sa kanyang Instagram account noon ding araw na yun.

Sabi ni KC, “If the stars choose to align us together again in the future, then why not? Who knows what will happen then.

“Timing is everything.

“As for me, I’ve decided to fully support him at the same time move on and spread my wings.”


Stories We Are Tracking

Aly Borromeo dismisses rumored breakup with KC Concepcion
Aly Borromeo dismisses rumored breakup with KC Concepcion
KC Concepcion clarifies rumored breakup with Aly Borromeo
KC Concepcion clarifies rumored breakup with Aly Borromeo
KC Concepcion confirms breakup with Aly Borromeo
KC Concepcion confirms breakup with Aly Borromeo

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph at Cinema News si KC sa launching ng kanyang jewelry line, ang Avec Moi, noong Miyerkules, March 21.

Dito ay nagsalita siya tungkol sa breakup nila ni Aly.

“I just got out of one, di ba?” pakli ni KC.

“I am very happy where we are right now.

“Alam mo, sa totoo lang, lahat ng naging close sa akin o nagkarelasyon ako, magkaibigan kami.

“It’s important for me na mabigyan ng importansiya yung taong yun, only because naging part siya ng life ko.”

NETWORK TRANSFER? Hiningan din namin ng reaksyion si KC sa usap-usapang lilipat daw siya sa GMA-7 mula sa ABS-CBN, na naging tahanan niya mula nang magsimula siya sa showbiz.

Ayon sa 32-year-old actress, “Kinailangan ko lang talagang mag-focus sa business, kailangan ko ding mag-focus sa iba kong gusto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, kailangan kilalang-kilala mo ang sarili mo pag babalik ka sa showbiz, kasi napakaraming expectations and pressure.

“Sabi ko nga, dito na ako ipinanganak.

“Lahat din ng babae sa pamilya namin is nandito sa work na ito.

“Hindi ko na yun maaalis sa buhay ko.”

Si KC ay anak ng dating mag-asawa na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.

Tiniyak din ni KC na hindi niya iiwan ang pag-arte kahit may bago na siyang career ngayon bilang jewelry designer.

“Of course, hindi ‘yan mawawala.

“It’s something na babalik at babalik din ako.”

May offers na ba siyang natatanggap para sa kanyang pagbabalik-showbiz?

Tugon niya, “Yes naman, nagpapasalamat naman ako na mayroon.

“Siguro very careful lang ako sa sasabihin ko, kasi ayoko rin namang magbitaw ng salita na hindi pa talaga totally sure.”

BIRTHDAY GIRL. Sa April 7 ay ipagdiriwang ni KC ang kanyang 33rd birthday.

Ano ang plano niya sa nalalapit na kaarawan?

Ayon kay KC, “Wala pang plan… actually, Holy Week, wala rin akong plano.

“Masyado akong naka-focus dito sa bago kong ginagawa.

“Gusto kong mag-party, sa totoo lang, sa sobrang stress ng business-owned.

“Yung business owner, hindi na siya endorsement, it’s like you own...

“Sabi ko, grabe… nakaka-stress din!

“Gusto kong sumaya, gusto kong mag-spend ng time with friends.

“Yun ang isang bagay na alam kong kailangang-kailangan ko.”

Ano naman ang birthday wish niya?

“Of course, ang wish ko is for my life to really come into full bloom this year.

“As in, bilang babae siyempre, may mga gusto tayo, di ba?

“Pero may mga bagay na hindi natin nakukuha dahil din sa mga bagay na hindi rin natin kontrolado, right?

“Totoo, may mga gusto ako sa puso ko, pero bahala na rin si God kung ano ang timing Niya for me.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN