Mely "Miss Tapia" Tagasa still in coma; removed from life support

IMAGE Courtesy: Facebook of Mely Tagasa / Screenshot from the movie Iskul Bukol 20 Years After

Humihiling ng dasal ang pamilya ni Mely Tagasa—mas kilala sa kanyang karakter sa Iskul Bukol na Miss Tapia—na kasalukuyang comatose sa Cardinal Santos Medical Center. 


Comatose ngayon ang 82-year-old actress at writer na si Mely Tagasa.

Nakilala si Mely dahil sa kanyang pagganap bilang Miss Tapia, ang terror na teacher, sa sitcom na Iskul Bukol.

Ang Iskul Bukol ay pinagbidahan nina Tito, Vic & Joey. Tumagal ito sa ere mula 1977 hanggang 1990.

Base sa Facebook post ng anak ni Mely na si Gina Marissa Tagasa, isa ring scriptwriter, tinanggal na ng mga doktor ang respirator ang kanyang ina.

Naka-confine ngayon si Mely sa Cardinal Santos Medical Center.

Isang mahirap daw na desisyon ang pagpayag nilang tanggalan ng respirator ang ina dahil nakadepende rito ang paghinga nito.

Pahayag ni Gina sa kanyang FB post kahapon, March 22, “Mommy was weaned off her respirator yesterday afternoon.

“It was a tough and painful decision to make since she has been quite dependent on this machine.

“She is still in Comatose stage but displays some pain and discomfort as she slightly jerks and squirms because of the intubation. (Ok, Doctors say it's just her 'reflexes').

“She now breathes with the help of an Oxygen tank. (Sorry, I may not be able to explain the process the way these Doctors do. Believe me, the Medical jargon is beginning to confuse us already while Hospital bills keep piling up every day).

"We continue to monitor her condition—her vital signs fluctuate every hour so I can't say everything is OK.”

Umaasa ang kanilang pamilya ng himala mula sa Panginoon na pahabain pa ang buhay ng kanilang ina.

Magdiriwang ng kanyang ika-83 kaarawan si Mely sa April 16.

Saad pa ni Gina, “At this point, we leave everything to the good LORD.

"If He wills her to continue enjoying a quality life at 83 (her Bday is on the 16th of April), then a miracle is bound to happen.

“If He decides to take Mommy home with Him, Eternal Life in Heaven awaits. We accept. Our Faith will see us through.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagpasalamat naman si Gina sa bumuhos na dasal para sa ina mula sa kanilang mga kakilala, kaibigan, at mga tagahanga ng paboritong karakter nito noon sa telebisyon.


Halos dalawang dekada ang Iskul Bukol sa telebsiyon noon kung saan nagkaroon pa ito ng ilang pelikula kasama ang mga bidang sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN