Karla Estrada mediates between KathNiel fans and ABS-CBN reporter

IMAGE Instagram (@karlaestrada1121)

Karla Estrada to KathNiel fans: "Alalahanin natin na Kung Ano man ang Salita na Hindi maganda patungkol sa Ibang Tao ay mag rereflect sa mga idolo natin. Kaya protecthan natin sila sa pamamagitan ng pag spread ng magandang asal"


Namagitan si Karla Estrada sa iringan sa pagitan ng ABS-CBN entertainment reporter na si MJ Felipe at ilang fans ng tambalang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla o KathNiel.

Si Karla ay ina ni Daniel.

Nagsimula ito nang magtanong ang isang KathNiel fan kung kailan ieere sa alinmang ABS-CBN news and public affairs program ang mga larawan ng sikat na love team mula sa kanilang recent Thailand trip.

Tila naging pabalang ang sagot dito ni MJ: "Eh mas marunong ka pa pala sa akin eh."

Dagdag pa nito, hinihintay pa raw niya si Kathryn na ipadala ang mga larawan.

Hindi nagustuhan ng ibang KathNiel fans ang paraan ng pagsagot ni MJ, kaya naman pinuna nila ito:


KARLA MEDIATES. Namagitan naman si Karla dahil sa pagbatikos ng KathNiel fans kay MJ.

Idinaan ng Magandang Buhay host ang pakiusap via Twitter ngayong Biyernes, March 23. 

Aniya, "Good day, segurado ako hindi magugustuhan ni kath ang ganitong Asal. Matagal nang kaibigan ng kathniel si Mj.

"At sana wag tayong nangungutya pag Hindi agad napagbibigyan ang kagustuhan natin. Tingnan natin lagi ang mas maraming magandang nagawa ng Tao."

Dagdag pa niya, "Kaya protecthan natin sila sa pamamagitan ng pag spread ng magandang asal."

Paalala ni Karla, “Lawakan ang pang unawa. Ang saya saya ng kathniel sa America ngayon at nag hahanda sa mga shows na haharapin. Doon tayo mag focus!”

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN