Rufa Mae Quinto lucky to have Trevor Magallanes as husband: "Anak-mayaman talaga... 'tsaka understanding."

IMAGE Noel Orsal

Rufa Mae Quinto on husband Trevor Magallanes letting her join showbiz again: "Siya nga ang may gusto, e. 'Tsaka millennial ano yun... 31 years old yun, Amerikano. Siya yung nagpabalik sa akin, kasi naniniwala siya na this is my destiny. 'Tsaka, ewan ko sa kanya, baka ayaw lang niya akong kasama sa States!"


Aktibo na muli sa showbiz ang actress-comedienne na si Rufa Mae Quinto matapos nitong magpakasal at manganak.

Isa siya sa mga bagong dagdag sa cast ng ABS-CBN sitcom na Home Sweetie Home.

Okay lang ba sa kanyang asawang si Trevor Magallanes ang pagbabalik niya sa showbiz?

Sagot ni Rufa Mae, “Siya nga ang may gusto, e.

"'Tsaka millennial ano yun... 31 years old yun, Amerikano.

“Siya yung nagpabalik sa akin, kasi naniniwala siya na this is my destiny.

"'Tsaka, ewan ko sa kanya, baka ayaw lang niya akong kasama sa States!" pagbibiro pa niya.

Wala ngayon sa bansa ang asawa dahil sa trabaho nito sa Amerika.

Dagdag pa ni Rufa Mae, “Dun na siya sa Amerika, pulis.

“Bibili ng bahay namin. Ano siya, e, anak-mayaman talaga, e.”

Pakiramdam daw ni Rufa Mae, masuwerte siya sa napangasawa.

“Awa ng Diyos, tsaka understanding,” pakli niya.

Ikinasal sina Rufa Mae at Trevor noong November 2016.

Meron na silang isang anak—si Athena Alexandria, one year old.

BACK TO ABS-CBN. Masayang-masaya rin si Rufa Mae na nakabalik siya sa Kapamilya network.

Regular cast siya ngayon sa Home Sweetie Home, kung saan makakasama rin niya ang dating co-star sa Bubble Gang na si Ogie Alcasid.

Sabi ni Rufa Mae tungkol sa reunion nila ni Ogie, “Oo nga, ang saya!

"Last ko siyang nakita, 2011, na nakaeksena.

"'Tapos nagka-show siya dito, kaso puro singing-singing. Kundi singing, judging, hosting.

"So, alam mo yun, nakaka-miss.

“Nakaka-miss pala talagang magpatawa.

"'Tapos kami, pag nasa set na kami, kahit wala pang linya, parang ano na… [bumabalik ang] nakaraan.

"Nakaraang pagsasama namin [sa Bubble Gang]."

Paano siya nag-adjust sa bago niyang programa?

Sabi ni Rufa Mae, “Actually, nung una, nung pumasok na ako dito, talaga nung last year pa, pero as guest.

“Pero daily, daily… regular... Siyempre, di ko alam kung anong nangyayari, kung tuloy ba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"'Tapos nung sinabi na nila na ‘Go, go’ na ako sa Home Sweetie Home, sabi ko, ‘Go,’ di sige, ‘Go.’

“Ano bang sagot dapat sa ‘Go, go', di ‘Go.’”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN