Jinky Vidal's boyfriend draws flak for calling Freestyle "freesh*t" without his GF

IMAGE Twitter @JericMedina

Jeric Medina draws ire of netizen for saying that his girlfriend Jinky Vidal was the only reason Freestyle became famous.


Umani ng pambabatikos ang mister ng dating Freestyle lead singer na si Jinky Vidal matapos nitong maliitin ang OPM band.

Kaugnay ito ng tribute sa Freestyle na umere sa isang segment ng ABS-CBN musical-variety show na ASAP noong Linggo, March 18.

Naroon ang dating male lead vocalist ng Freestyle na si Top Suzara upang kantahin ang hit songs ng banda, kasama ang singers na sina Jake Zyrus at Jason Dy.

Kapansin-pansing wala roon ang female lead vocalist ng banda na si Jinky.


Sa kasalukuyan, ang mga miyembro ng Freestyle ay sina Ava Santos, Joshua Desiderio, Tat Suzara, Rommel dela Cruz, at Gerald Banzon. 

Tila ito ang naging mitsa ng pag-tweet ng boyfriend ni Jinky na si Jeric Medina ng hindi magagandang salita laban sa existing members ng Freestyle.

Pahayag ni Jeric: "Freestyle is FreeSHIT without @JinkyVidal.

"She's the ONLY reason they ever got famous.

"Can't wait for the day they just stop and not ruin music anymore.

"Mediocracy is real."

At press time, burado na ang tweet ni Jeric, ngunit may ilang netizens ang nakakuha ng screen cap nito.

NETIZENS' REACTIONS. Kasabay nito ay umalma ang ilang mga tagasuporta ng banda na nagsabing naunang tumiwalag sa grupo si Jinky upang magkaroon ng solo career.

May ilan din ang nagtanggol sa lead vocalist na si Top, na karamihan umano sa mga sumulat ng original hit songs ng Freestyle.

Ilan sa mga pinasikat na kanta ng Freestyle ay ang "Before I Let You Go," "So Slow," "This Time", at ang sarili nilang version ng Ogie Alcasid hit na "Bakit Ngayon Ka Lang."

"JINKY'S INDISCRETIONS." Isa pang malapit sa kampo ng Freestyle, na nagpakilalang Celina Pacana, ang naghayag ng saloobin sa tinuran ni Jeric laban sa banda.

Si Celina ay anak ng manager ng Freestyle na si Celeste Feliciano-Pacana.

Ayaw man daw sana niya sanang ungkatin ang naging problema ng grupo kay Jinky noon ay napilitan siyang ilabas ang dahilan kung bakit nawala sa grupo noon si Jinky.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi sa isang bahagi ng Facebook post ni Celina, na may petsang March 20:

“Freestyle's decision to move on without Jinky Vidal was not just an artistic one.

“We ALL can attest to Jinky’s tremendous talent. I still remember watching her as a kid and being so incredibly in awe at how she owns the stage and captivates the audience.

“Needless to say, letting go of her was not at all easy. Albeit a challenging choice, it was a certain one.

“Thriving in the industry should not only entail competence but also, as I’ve been mentioning, INTEGRITY.

“I’d like to think Freestyle no longer wanted to thrive in an environment of deceit and unfaithfulness that SHE harbored during the latter time of her stay with the band.

“Such a decision was born out of the band’s responsibility to their values as human beings, more than their creative desires and dreams for the band’s direction.

“The band has stayed silent on Jinky’s indiscretions, Mr. Medina, for all these years. In spite of how gravely she has hurt business and disposition, they soldiered on and let you and your party be.

“Out of RESPECT. The road has been extra difficult, admittedly, since her departure, but music still has to be made and children still have to be fed.”

Ayon pa kay Celina, hindi niya matatanggap ang pang-iinsulto ni Jeric sa bandang Freestyle lalo na’t nirespeto ng mga miyembro nito si Jinky sa kabila ng pagkukulang nito sa grupo noon.

“Not only did you publicly shame on someone else’s honest livelihood, you also deeply insulted the band’s creative pursuits.

“As an artist yourself, I wanted to believe you knew better. Please do know better next time, Mr. Medina.

“To my superwoman mom who has invested in Freestyle's career, even in Jinky's, I will never stop fighting for you, Celeste Feliciano Pacana To my superhero titos and tita from the band who are all exceptional musical talents, please never stop making music.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tuloy ang laban! Ava Santos, Tat Suzara, Mike Luis, Joshua Desiderio, Rommel Dela Cruz. Gerald Banzon”

JERIC'S APOLOGY. Humingi ng dispensa si Jeric matapos umani ng pambabatikos mula sa netizens.
Aniya, nadala lamang siya ng kanyang emosyon dahil hindi nakasama si Jinky sa tribute para sa Freestyle na ipinalabas sa ASAP noong nakaraang Linggo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN