Mely "Miss Tapia" Tagasa dies at 82

IMAGE James Patrick Anarcon / PEP Files

Veteran actress and scriptwriter Mely Tagasa of Iskul Bukol fame dies at 82 years old.


Pumanaw na ang batikang aktres at manunulat na si Mely Tagasa ngayong Sabado ng madaling-araw, March 24, 2018.

Ito ay pagkatapos ng ilang araw na pagkaka-confine sa Cardinal Santos Medical Center.

Si Mely ay kilala sa kanyang pagganap bilang terror teacher na si Miss Tapia sa sitcom na Iskul Bukol, na umere mula 1977 hanggang 1990.

Ibinahagi ng anak ni Mely na si Gina Marissa Tagasa ang malungkot na balita sa kanyang personal Facebook account.

Sabi niya, "At 12:26 AM, our dearly beloved Miss Tapia has joined our Creator. The gates of heaven open for her. We love you very much, Ma!"


Noong Huwebes, March 22, ay ibinahagi ni Gina na na-comatose ang ina at tinanggal na ng mga doktor ang nakakabit na respirator nito.

Magdiriwang sana ng kanyang ika-83 na kaarawan si Mely sa April 16.

Ang huling public appearance ni Mely sa publiko ay nang personal niyang tinanggap ang kanyang Walk of Fame star noong November 2017.

Mely Tagasa, also known as Miss Tapia, gets inducted at #WalkOfFame2017

A post shared by PEPalerts (@pepalerts) on


Stories We Are Tracking

Mely Tagasa still in coma; removed from life support
Mely Tagasa still in coma; removed from life support
Isabel Granada's mom, husband shed tears at Walk of Fame
Isabel Granada's mom, husband shed tears at Walk of Fame




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN