James Reid says "misunderstanding" with director Antoinette Jadaone has been patched up

IMAGE Nerisa Almo

James Reid says a meeting with director Antoinette Jadaone happened shortly after their shoot was canceled in January.


Tinapos ni James Reid ang isyu na may tampo sila ni Nadine Lustre kay Antoinette Jadaone, ang direktor ng Never Not Love You, sa guesting niya kagabi, March 24, sa show ni Boy Abunda sa ABS CBN, ang Tonight with Boy Abunda.

Sa "Legit or Lie" game ng TWBA, diretsahan na tinanong ni Abunda si James tungkol sa diumano’y tampuhan sa pagitan ng aktor, ni Nadine at ni Jadaone.

"Lie" ang mabilis na sagot ni James, kasunod ang paliwanag na misunderstanding lamang ang nangyari.

"It was a misunderstanding. Nadine was sick and other things happened,” ang depensa ni James.

"Yes, definitely,” ang siguradong-sigurado na sagot ni James nang itanong ni Abunda kung naayos na ang problema.

QUICK BACKGROUND. Matatandaang nagsimula ang isyung ito noong na-pack up ang kanilang shoot para sa pelikula noong Enero 15.

Bukod sa pag-tweet ni Jadaone tungkol sa canceled shooting, nag-blog din ito. 

Narito ang bahagi ng kanyang sinulat, “Filming for #foolishmovie is becoming erratic. Sayang, andun na ang momentum eh.

“More and more shooting days cancelled – some reasons more heartbreaking than others, so heartbreaking they make me cry. Or maybe I am just being overly dramatic, or that’s just really how I value pelikula.”

Dito lumabas ang mga ispekulasyon tungkol sa dahilan kung bakit hindi natuloy ang shooting. May mga nagsabing nalasing daw si James kaya hindi ito nakasipot. Pero ang sabi naman ni Nadine ay na-ospital siya.

ALL IS WELL. Bago sila lumipad sa London noong January 20, 2018, para sa shooting ng Never Not Love You, nagkausap sina James, Nadine, at Jadaone sa meeting na ipinatawag ng VIVA Films bosses.

Nagkapaliwanagan at nagkaintindihan ang magkabilang-panig pero muling nabuhay ang isyu dahil sa mga tweet reply ng direktor na si Cathy Garcia Molina sa isang JaDine fan na hindi niya personal na kakilala.

“Iha, talaga ba? Iba kasi ang naririnig ko galing mismo kay Direk Dan at Direk Antoinette. Sorry,” ang sagot ni Molina sa fan na nangangarap na makatrabaho nina James at Nadine sa isang pelikula ang lady director bago ito mag-retire sa August 2019.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Legit" naman ang sagot ni James sa tanong ni Abunda na ayaw niya na may ibang tao na humahawak sa kanyang buhok.

"Si Nadine lang ang puwede,” ang sabi ni James sa reaksiyon ni Boy na, ‘Kapag hinahalikan ka ni Nadine, hindi hinahawakan ang buhok mo?’"


Stories We Are Tracking

Did James Reid and Nadine Lustre cause movie shoot pack-up?
Did James Reid and Nadine Lustre cause movie shoot pack-up?
Nadine Lustre hints at reason for cancelled shooting
Nadine Lustre hints at reason for cancelled shooting
Nadine reveals her health problems caused movie shoot delay
Nadine reveals her health problems caused movie shoot delay
Cathy Garcia-Molina in hot water over JaDine comments
Cathy Garcia-Molina in hot water over JaDine comments


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN