Bb. Pilipinas candidate Sandra Lemonon responds to "beauty without brain" comment of basher

IMAGE Facebook account of Anna Mae Lamentillo

Binibining Pilipinas 2018 candidate Sandra Lemonon decided to learn more about the Build Build Build program of the government.


Sumagot sa isang basher ang Binibining Pilipinas 2018 candidate na si Sandra Lemonon.

Ilang araw pagkatapos ng grand coronation night ng Binibining Pilipinas noong March 18, nagsadya mismo si Sandra sa Department of Transportation (DOTr) at Department of Public Works and Highways (DPWH) para personal na magtanong tungkol sa Build Build Build program

Pinaunlakan naman siya DOTr at DPWH kahapon, March 22.

Matatandaang naging viral ang kanyang sagot sa pageant pagkatapos niyang aminin na wala siyang ideya tungkol sa programa.

Sa post ng DOTr sa kanilang Facebook page kahapon ay nakitang nakipag-usap ang kandidata sa mga opisyal ng government agency, kabilang ang DOTr Secretary na si Arthur Tugade.

Sa post na ito ay isang netizen ang nag-comment tungkol kay Sandra at sinabing, "What is beauty without brain?"

Sinubukan namang ipagtanggol ng DOTr si Sandra at sinabing, "She speaks four languages. Filipino, English, French, and Portuguese. Empty pa rin po brain?"


Sa pamamagitan ng kanyang Facebook account ay sinagot rin ni Sandra ang basher.

Sabi niya sa basher, "Good evening po! I am sorry but i have to disagree with you.

"There is a brain behind this so called 'beauty' & And most importantly a good heart

"This is why I decided to educate myself about it instead of remaining ignorant.

"I can admit that I do not know everything in this world but I am willing to learn as much I can.

"After all I will forever remain a student of life."


Naging usap-usapan ang sagot ni Sandra sa nakaraang Binibining Pilipinas 2018 coronation night matapos siyang tanungin tungkol sa Build Build Build program.

Sagot ni Sandra sa tanong: "Actually, you know what, I studied so much for this Q&A, but sadly that's something that I don't know really much about. But at least I'm here trying to answer a good question. Thank you."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Umani naman ng iba't ibang reaksiyon ang pagpapakatotoo ni Sandra sa Question and Answer portion ng pageant.

Sa isa pang interview ay inamin ni Sandra na "Bill Bill Bill" ang pagkakadinig niya sa tanong ng judge.

Samantala, pinasalamatan naman ng DPWH Build Build Build committee chairman na si Anna Mae Yu Lamentillo ang kandidata sa pagpapakita ng interes na mas matutunan pa ang nasabing proyekto.

Saad niya sa kanyang Facebook post, "If Binibining Pilipinas event happened today, I’m sure it would be an entirely different story. Time to #BuildBuildBuild. Thank you Binibining Pilipinas 35 Sandra Lemonon."



Stories We Are Tracking

Sandra Lemonon overwhelmed by public's response
Sandra Lemonon overwhelmed by public's response
Sandra Lemonon vows to join Binibining Pilipinas again
Sandra Lemonon vows to join Binibining Pilipinas again
Why Bb. Pilipinas contestant Sandra Lemonon is a winner
Why Bb. Pilipinas contestant Sandra Lemonon is a winner


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN