Maja Salvador teases Maymay Entrata, Edward Barber during concert

IMAGE Instagram account of Maymay Entrata / Allan Sancon

Maymay Entrata and Edward Barber (left) get teased by Maja Salvador (right) during Maja On Stage concert.


Nadulas nga ba si Maymay Entrata sa estado ng relasyon nila ngayon ng ka-love team niyang si Edward Barber?

Ito ang naging ugat ng panunukso ni Maja Salvador nang mag-guest si Maymay sa kanyang concert na Maja On Stage kagabi, March 23, sa KIA Theater, Cubao, Quezon City.

Habang nag-uusap kasi sila onstage pagkatapos ng kanilang performance ay napansin ni Maja na parang kinikilig at nahihiya si Maymay.

Tinanong ni Maja kay Maymay, "Bakit ka ano? Kasi nandiyan yung Oppa mo, ano?

"Nasaan ba yung Oppa mo, hanapin natin yung Oppa mo, nandiyan yata yung Oppa mo, e!"

Ang tinutukoy na "Oppa" ni Maja ay ang ka-love team ni Maymay na si Edward, na nanonood mula sa audience area.

Ang "Oppa" ay Korean term na ginagamit para sa isang espesyal na lalaki sa buhay ng isang babae.

Nilapitan naman ni Maja si Edward sa may gilid ng stage at tinanong nito kung siya nga ang "Oppa" ni Maymay.

Panunuksong tanong ng 29-year-old actress, "Hi! Did you see the Oppa of Maymay? Are you, are you?"

Nahihiyang sagot naman ni Edward, "Maybe," na naging dahilan para maghiyawan ang mga nasa audience.

Binalikan naman ni Maja si Maymay sa gitna ng stage, at tila parang kinabahan si Maymay na nakita si Edward.

Sabi niya kay Maja, "Tinuro mo, e."

Balik-tanong ni Maja, "Ay, bakit, hindi ba puwede?"

Tugon ni Maymay, "Hindi, secret lang yung... ay, joke!"

Muling nagtawanan at nagsigawan ang audience at tinukso ni Maja na nadulas si Maymay tungkol sa kanilang dalawa ni Edward.

Paliwanag naman ng 20-year-old Pinoy Big Brother Lucky 7 winner, "Ay, hindi! Ibig sabihin, sikreto lang na nandito siya!"

Subalit tinuloy pa rin ng former Wildflower actress ang panunukso kay Maymay.

"Hindi, e. Sabi ko, may Oppa-oppahan ako 'tapos ikaw, nandiyan yung Oppa mo, totoong may oppa ka.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi mo, secret lang!"

Kunyari namang nakiusap si Maja sa audience na itagong sikretong ang nasabi ni Maymay.

"O, please, walang maglalabas sa social media, ha?

"Walang magta-tag kay Maymay at Edward, ako lang i-tag niyo."

Sabi pa niya ulit kay Maymay, "O, secret lang natin na Oppa mo siya."

Natawa na lang si Maymay at nagpasalamat kay Maja dahil kinuha siyang guest sa concert.

@maymay tells a secret to @iammajasalvador. ???? #MajaOnStage

A post shared by PEPalerts (@pepalerts) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN