Kim Rodriguez quashes persistent pregnancy rumors: "May buntis bang naka-two piece?"

Kim Rodriguez on persistent pregnancy rumors: "Dedma lang kasi hindi naman totoo, di ba? Nakakatawa nga yung mga nagkakalat ng issue kasi yung mga posts ko naman ay more on beach and naka-two piece. May buntis bang naka-two piece?"


Matapang na sinabi ng aktres na si Kim Rodriguez na naka-move on na siya mula sa relationship sa kanyang ex-boyfriend, pero hindi na niya ito pinangalanan.

Inamin niya ito nang mag-guest siya sa radio program ng Super Radyo DZBB na Walang Siesta.

Ayon kay Kim, hindi naging madali para sa kanya ang mag-move on lalo na't sobrang minahal niya ang kanyang ex.

Lahad niya, “Hindi kasi madaling makalimot lalo na pag ang saya-saya niyo dati.”

Aniya, “Ang importante kasi diyan, masaya ka, masaya ka para sa past mo.

“Kalimutan mo na yung mga nangyari.

"Hindi yung hanggang ngayon iniisip mo pa rin.”

MOVING-ON ADVICE. Hindi rin nakalimutan ng aktres na magbigay ng payo para sa mga taong hanggang ngayon ay umaasa pa rin.

“May mga umaasa pa rin talaga pero depende kasi yun kung paano kayo naghiwalay.

“May paghihiwalay na maayos, may paghihiwalay na hindi, pero iwasan niyo na ang pag asa.

“Through time, mawawala din 'yan,” paninigurado niya.

STRESS EATING. Sinabi rin ng aktres na normal lang na ma-depress at mag-stress eating habang nagmu-move on.

Ang importante lang daw ay siguraduhing hindi magpabaya sa sarili.

Pag-amin niya, “Ganyan din ako, nag-stress eating.

“Basta pag naka move on ka na, kailangan beauty na ulit!”

NO TRUTH TO PREGNANCY RUMORS. Samantala, nagbigay din ng pahayag ang 23-year-old na aktres tungkol sa issue ng pagbubuntis niya diumano.

Ayon kay Kim, dedma siya sa mga issue na nagsabing nabuntis siya dahil alam naman niya kung ano ang totoo.

Saad niya, “Dedma lang kasi hindi naman totoo, di ba?

"Tsaka nakakatawa nga yung mga nagkakalat ng issue kasi yung mga posts ko naman ay more on beach and naka-two piece.

“May buntis ba na naka-two piece?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN