Michele Gumabao still looks up to dad Dennis Roldan

IMAGE Jojo Gabinete

Newly-crowned Bb. Pilipinas Globe 2018 Michele Gumabao on incarcerated dad, former actor Dennis Roldan: "He's a good provider, a good person. He's very good with people. He taught me how to fight in life, to always win and to always give my best."

 


Reclusion perpetua, o lifetime imprisonment, ang hatol sa aktor na si Dennis Roldan ng Pasig City Regional Trial Court noong August 2014 dahil napatunayan siyang guilty sa kaso ng kidnapping sa isang Filipino-Chinese boy noong 2005.

Pero hindi ito naging dahilan para mawala ang paghanga at mataas na respeto sa kanya ng kanyang anak, ang volleyball superstar at newly-crowned Bb. Pilipinas Globe 2018 na si Michele Gumabao.

Kaharap ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang itanong ni Philippine Star entertainment editor Ricky Lo kay Michele kung sino ang gusto nitong tularan kung sakaling isinilang siya bilang isang lalaki.

“My father” ang hindi nagdalawang-isip na sagot ni Michelle.

Para sa kanya, isang mabuting ama si Dennis.

“He’s a good provider, a good person. He’s very good with people.

“He taught me how to fight in life, to always win and to always give my best.

“He and my mom really are a great balance but it was my dad who was my inspiration growing up, just because he treated the family very well.

“He loves my mom and I saw true love in them.

“So I want to be dad if ever I want to be a man. If ever I was born a man, I would want to be like him...

“Somebody who’s genuine, somebody who’s trustworthy, a good provider and also someone who actually shows their children true love and brings them up to the right direction,” paliwanag ni Michele na planong magpagawa ng replica ng Bb. Pilipinas Globe crown na ibibigay niya kay Dennis kapag dumalaw siya sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.

Ang kanyang ina, ang former model na si Lollie Imperial, at ang mga kapatid niyang sina Kat at Marco Gumabao ang nagbigay kay Michele ng full support sa coronation night ng 55th Bb. Pilipinas noong March 18, 2018.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagpapasalamat si Michele kay Kat, isang California-based plus-size model, dahil umuwi pa ito ng Pilipinas para lang suportahan ang pagsali ng kanyang kapatid sa Bb. Pilipinas 2018.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN