Bianca Umali flies to Marawi City to fulfill charity mission

IMAGE Bianca Umali Instagram

Bianca Umali recently visited Marawi City to fulfill her charity mission in cooperation with World Vision Philippines, which she represents as one of its youth ambassadors for education.


Tinupad ng Kapuso actress na si Bianca Umali ang kanyang pangako na pagkatapos ng kanyang debut party noong nakaraang March 17 ay magkakaroon ito ng charity work bilang pagpapasalamat at pag-share niya ng mga blessings na natatanggap niya.

Kailan lang ay lumipad si Bianca patungong Marawi City at pinasaya niya ang maraming kabataan at kababaihan na naapektuhan ng naging kaguluhan doon.

Sa tulong ng World Vision Philippines kunsaan isa si Bianca sa youth ambassadors for education, hindi sinayang ng bida ng Kambal, Karibal ang kanyang buong araw doon dahil tinuruan niyang magbasa at kinuwentuhan niya ang mga bata at mga kababaihan doon.



Unforgettable nga raw ang experience na iyon para kay Bianca dahil first time niyang makarating sa naturang Islamic City.

Heto ang pinost ni Bianca sa kanyang Instagram account noong nakaraang March 23:

In partnership with @worldvisionphl , I visited Marawi to see how the children and women were. I am now the happiest knowing that they are all in the process of rebuilding their lives. Seeing the smiles on each of their faces despite the trauma melted my heart... ?? My love for children and women is unconditional. I will forever stand up with and for them. Let us all pray for peace and for equality. Let us all work together, hand in hand, in bringing quality Education for them and in Ending Violence Against Children. I would like to personally thank all the kind hearts and souls out there who have helped, are helping, and are willing to help people who are in need. may God bless you all. ???? For more details on how to send your support through us, visit our website - worldvision.org.ph ????

A post shared by Bianca Umali (@bianxa) on

Makikita sa photos na napapaligiran ng maraming bata si Bianca at makikita ring dinamitan ang aktres ng traditional Muslim dress.

Marami pa raw gustong tulungan na mga kabataan si Bianca at sa kanyang pagiging ambassador ng World Vision ay matutulungan siyang abutin ang ilan pang mga kabataan na sabik na makapag-aral.

THANKFUL TO MIGUEL. Sa isa pang post ni Bianca, nagpasalamat naman ito sa kanyang loveteam partner na si Miguel Tanfelix dahil sobra siyang napasaya nito noong nakaraang debut niya.

Bukod sa pag-amin ni Miguel na gusto na niyang maligawan nang pormal ang aktres, niregaluhan pa niya ito ng all-expense-paid trip to Japan.

Sa isang IG post ni Bianca, pinost niya ang pic nila ni Miguel na magkasama at naglagay ito ng sweet na mensahe para sa kanyang ka-loveteam.

I never got to thank you enough, @migueltanfelix_ for what you did for me on my 18th. ? To My person, My annoying monkey. ???? Thank you for making me happy. Thank you for constantly making me smile. For putting so much effort in doing even the most annoying things just to make me laugh. I know I get pikon often because you annoy me every time... but please know that I am looking forward to receiving more dozens of roses from you, painting colors on the plain white canvases of life with you, endlessly absorbing energy from my energy boy, cooking food with you ( kahit na taga open and close ka lang ng lutuan and taga mix ng sahog ) , capturing infinity crazy moments together, shopping for outfits with you, and, of course, travelling around the world na ikaw ang kasama. ????????????????

A post shared by Bianca Umali (@bianxa) on


   


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN