RS Francisco stands by endorser Ellen Adarna amid personal upheavals

IMAGE Allan Sancon / Noel Orsal

Frontrow President RS Francisco on celebrity endorser Ellen Adarna: "Kung ano man ang pinagdadaanan niya, it makes her human, and all the more we love her."


Matagal-tagal nang hindi nakakausap ni RS Francisco si Ellen Adarna, isa sa mga endorser ng kumpanya niyang Frontrow.

Si RS ang president ng multi-level marketing company na iniendorso ni Ellen.

Ayon sa premyadong aktor, “I don’t know where she is now.

“Tinext ko, hindi nag-reply.

“Kausap ko yung manager, si Pia [Campos]. Nag-meet kami nung party ni Gretchen [Barretto].

“'Tapos, sabi ko kay Pia, ‘Pia, kumusta?’

"‘Nai-stress nga ako, e.’

"‘Bakit ka nai-stress? Bakit ka nai-stress?

"'Ako nga, tinatanong ng mga press kung kumusta kami ni Ellen, sabi ko, wala, OK lang. Hindi ako nai-stress.

"‘Relax ka lang. Huwag kang ma-stress. Kung ano man ang tsismis, kung totoo, di okay. Kung hindi, di okay.

“'Iyon lang ‘yon. ‘Huwag kang ma-stress. Wala namang pumatay ng tao.’”

Kasalukuyang buntis si Ellen sa anak nila ng aktor na si John Lloyd Cruz.

Kung gayon, walang conflict sa Frontrow ang anumang pinagdadaanan ni Ellen?

“Walang-wala po!” mabilis na bulalas ni RS.

“Walang-walang-walang-wala.

"In fact, kung ano man ang pinagdadaanan niya, it makes her human, and all the more we love her.

“No, really. It goes to show na she’s just but human, if ever totoo ‘yon, ha? I’m not saying totoo.

“If ever totoo ‘yon, it only goes to show, she’s just human, she commits mistakes, she’s like every one of us.

“And we accept her for the way she is, whatever or however she is.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si RS matapos pumirma ng kontrata sa Frontrow ang hip-hop group na Ex Battalion, sa Ai Sarap Express, Sgt. Esguerra St., Quezon City, ngayong Linggo, March 25.

May sexy billboard pa rin si Ellen para sa Frontrow sa España Blvd., Manila.

“Andun! Mas pina-sexy ko nga, e!” nakangiting sambit ni RS.

“Para pang-asar lang talaga. Tingnan mo ngayon, iniba ko na. Full shot na nakahiga!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hanggang Agosto 2018 pa ang kontrata ni Ellen sa Frontrow.

Ayon kay RS, “'Tapos, gusto ko siyang i-renew.

“Gusto ko siyang i-renew, whatever it is.

"Tsismis na buntis, kung buntis man, i-renew. Hindi buntis, i-renew.

“Whatever it is! Huwag lang akong mabuntis, ha?

"Baka pag nabuntis ako, hindi ako maka-emote.

“Baka hindi ako makagawa ng movie with Joshua [Garcia]!” pagbibiro pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN