Sharon Cuneta swears she and Kiko Pangilinan never fought over another woman

IMAGE Instagram / Allan Sancon

Sharon Cuneta on relationship with husband Senator Kiko Pangilinan: "The mere fact that he and I have fought so many times over two decades - but NEVER over another woman - is a gift from God."


Inamin ni Sharon Cuneta na maraming beses na silang nag-away at muntik maghiwalay ng asawang si Senator Francis “Kiko” Pangilinan.

Pero naninindigan ang Megastar na hindi sila kailanman nag-away tungkol sa ibang babae.

Nitong weekend, nag-post si Sharon sa kanyang Instagram account upang gunitain ang ika-24 na anibersaryo nila ng senador bilang “boyfriend-girlfriend.”

Nagtungo sa Thailand ang mag-asawa, kasama ang tatlong anak na sina Frankie, Miel, at Miguel.

Ikinasal sila noong April 28, 1996 pagkatapos ng dalawang taong relasyon bilang magkasintahan.

“Thank God for a secure, supportive, simple, hardworking, God-fearing, faithful, devoted husband,” papuri ng 52-anyos na actress/singer/host patungkol sa asawa.

Dagdag pa ni Sharon, “We’ve been through way too much together... Almost broke up too many times... but in the end, I am his home, and he is mine.

"Too many memories we have made with each other and our children to just throw away...”

NO OTHER WOMAN. Marami raw silang pag-aaway sa loob ng higit dalawang dekadang pagsasama, pero hindi naging isyu ang ibang babae.

Hindi raw siya nag-alala o umiyak kung sino ang kasama nito.

“I have a renewed appreciation for Kiko... The mere fact that he and I have fought so many times over two decades - but NEVER over another woman - is a gift from God.

“No palpitations, no crying at night wondering where or with whom my husband may be - PRECIOUS.”

Biro pa ni Sharon, mayroong mga pagkakataong gusto nilang patayin ang isa’t isa, subalit sa isip niya ay panghabambuhay ang kanilang pagsasama.

“Even if I want to murder my hubby sometimes, as I’m sure he sometimes wants to kill me too (with kisses. Yuuck! Hahaha!) - I suspect we will always be together."

Tinawag niya pang "one of the most decent men" si Kiko at nagpasalamat na hindi sila naghiwalay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Happy Anniversary to one of the most decent men I know. Even if you are now my ex-boyfriend, I thank God I did not make you my ex-husband!

“I love you, Francis.

I wish everyone could get to know you the way we all do.

“God be with you and all of us always.

“Thanks for being my dorky! And for being the best father to our four big gremlins!”

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN