Anne Curtis finds it weird being asked about baby plans

IMAGE Instagram photo of Anne Curtis

"I actually find it weird that people keep on asking," says Anne Curtis on constantly being asked about her and husband Erwan Heussaff's baby plans.


Katulad ng ibang bagong kasal na female celebrities, hindi rin kumportable si Anne Curtis sa tuwing natatanong tungkol sa planong magkaroon ng anak.

Simula nang maikasal siya kay Erwan Heussaff noong November 2017, isa na sa madalas itanong sa It's Showtime host ang tungkol sa kanilang baby plans.

Tulad ng inaasahan, hindi niya ito naiwasan nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ABS-CBN News sa opening ng kauna-unahang boutique ng BLK, ang cosmetic line na pag-aari ni Anne, noong Sabado, March 24.

Gayunman, magiliw pa rin namang sumagot ang 33-year-old Kapamilya star.

Aniya, “Busy pa muna with BLK. But you know what, in God's time.”

Pagkatapos, hindi niya napigilang sabihin ang nararamdaman sa tuwing matatanong tungkol sa baby plans nila ni Erwan.

“I actually find it weird that people keep on asking, kasi parang...

“Di ba, it's something na... It's actually a very private matter,” nakangiting sabi ni Anne.

Humingi ng paumanhin ang reporter na nagtanong sa actress-TV host.

Pero agad na bawi ni Anne, “I don't mind. Siyempre, bago sa akin, so medyo weird.”

Tila natatawang dagdag niya, “Not yet, not yet naman.

"But if it happens, then it happens, di ba?

“I mean, what do you want me say? 'Yeah, we're actually doing it now.' Di ba, it's weird?!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN