Sunshine Cruz defends Macky Mathay's presence at her daughters' school ceremonies

IMAGE Instagram

Sunshine Cruz on boyfriend Macky Mathay's presence at her daughter's moving up ceremony: "We are happy that despite na wala ang kanyang ama, may isang tao na pumunta pa sa Alabang para lang mapanood siya, i-congratulate siya at mabigyan siya ng flowers."


Ipinagtanggol ni Sunshine Cruz ang pagsama ng boyfriend na si Macky Mathay sa moving-up ceremony at graduation ng mga anak nila ni Cesar Montano na sina Angelina at Chesca.

Nagtapos ang sina Angelina (Grade 10) at Chesca (Grade 6) sa De La Salle Santiago Zobel School sa Muntinlupa.

Nag-post pa ang aktres sa kanyang Instagram ng mga larawan kasama ang mga anak at si Macky.


Stories We Are Tracking

Sunshine Cruz proud mom at Angelina's moving up ceremony
Sunshine Cruz proud mom at Angelina's moving up ceremony
Macky Mathay proud of Sunshine Cruz's daughter, Chesca
Macky Mathay proud of Sunshine Cruz's daughter, Chesca

Nag-react dito ang ilang netizens.

Ayon sa kanila, hindi raw magandang tingnan ang pagsama ni Macky sa pagpa-picture ng mag-iina dahil wala naman daw itong kontribusyon sa pagpapaaral ng mga bata.

Pero ayon kay Sunshine, wala siyang nakikitang masama rito dahil ginagawa rin ito ng iba.



Kinontra rin ng aktres ang isang netizen na nagsabing naghihikayat lamang ng negativity ang ginawa ni Macky.

Saad ni Sunshine, “This is a wonderful moment for Angelina and we are happy that despite na wala ang kanyang ama, may isang tao na pumunta pa sa Alabang para lang mapanood siya, i-congratulate sya at mabigyan sya ng flowers.”


Isang netizen din ang nagtanong kung bakit wala si Cesar sa seremonya.

Ito ang tugon ni Sunshine: “Hindi po namin 'yan masasagot. Hehe. Thanks po.”



 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN